Chapter 72

59 5 0
                                    

Jessi's POV

Ilang oras nanaman ba akong mag hihintay para sa kanya? Yesterday's super routine, ayun uli ang routine ko ngayon. Ang mag antay sa canto MAPAGANTAY para sa boyfriend ko.

"Sorry boss, kanina ka pa ba dito? Pasensya kana ha. Traffic kasi eh."bungad sa akin ni Cad pagkababa niya ng sasakyan niya. Nag taka naman ako sa suot niya dahil nakapambahay siya at parang kagigising lang.

"Bakit ganyan ang suot mo? Kakagising mo lang ba?"usisa ko.

Napakamot na muna siya sa ulo at tsaka parang may hindi sure na sasabihin."Boss kasi ano eh, aaa--"huminga na muna siya ng malalim bago pa mag salita ulit."Dun kasi ako pinatulog ng daddy ni Camille sa kanila kagabi, kagigising ko lang eh."

"Ano? Dun ka natulog, natulog kayo sa iisang kwarto?"hindi na siya makatingin ng maayos sa akin."Sumagot ka, gusto ko yung totoo."mariin na sabi ko

"Oo. Pero hindi naman kami nag tabi sa kama. Hindi pa kasi alam ng daddy niya yung totoo na hindi na kami ni Camille eh. Hindi niya alam na may girlfriend ako kaya--"

Yung pinipigilan kong mga luhang kanina pa gustong tumulo palabas ng mata ko, ayun. Wala rin akong nagawa dahil tumulo na sa sobrang sakit ng nararamdaman ko sa mga nalaman ko ngayon.

Kung paano aminin ng boyfriend mo na natulog siya at ng nabuntis niyang babae sa iisang kwarto. Tapos hindi pa alam nung daddy ni Camille na may girlfriend siya.

Niyakap niya na ako dahil nakita niya na akong umiiyak pero pinipilit kong umalis sa mga hawak niya."So kailan mo naman ipapaalam na may girlfriend ka na palagi kang iniintindi sa tuwing iniindiyan mo ako sa mga araw na dapat magkasama tayo!"patuloy ako sa pag hikbi."Cad nahihirapan na ako eh. Porket girlfriend mo lang ako, kailangan ba ako lagi ang makihati ng oras? Kailan pa bang mabuntis mo ako para unahin mo naman ako?"

Ayaw niyang umalis sa pagkakayakap niya sa akin sapagkat ayun nalang yata ang kaya niyang gawin."Kaya nga nag sosorry na ako. Sorry, sorry sorry, I love you."hinalikan niya ako sa labi ko."Please. Kayanin mo naman para sa'kin. Para sa atin. Jessi please."patuloy lang siya sa pagmamakaawa dun.

"Kinakaya ko naman talaga eh, kahit ang hirap hirap kinakaya ko kasi mahal na mahal kita."supalpal ko."Pero paano naman yung side ko? Intindihin mo rin naman ako."

"Sorry na, sorry na okay? Promise, babawi ako sayo ngayon?"ano pa bang magagawa ko kapag pinakiusapan niya ako? Edi ang tumango nalang, ganyan ang tanga eh. Tango tango hindi lang pag may time kundi every time.

Nag punta na kami sa bahay ni Bricks. Birthday niya kasi at inimbitahan niya lahat ng barkada para makapag-celebrate sa bahay niya.

Bakit ganun, kahit na pilit kong iniintindi ang excuses niya nahihirapan ako. Kahit na sa huli, maiintindihan ko nalang para sa kanya parang hindi parin ako sumasaya.

Kasama ko nga siya pero tinatangay ang utak niya. Parang wala siya lagi sa sarili at sobrang lalim ng iniisip.

Kinakausap niya ako, pero hindi ako nakukuntento. Parang hindi ako nagiging komportable sa kanya. Dahil parang hindi yung boyfriend ko yung kausap ko.

Binati ko lang si Bricks pati ang mama at kuya niya tsaka nag punta sa garden nila kung saan nagaganap ang kasiyahan nila. Nag vivideoke kasi sila at ako naman nag papanggap lang na masaya.

"Boss, okay ka lang ba, gusto mo ikuha pa kita ng makakain?"out of the blue na tanong ni Cad

"Ayos lang ako."pagsisinungaling ko. Isang cupcake lang kasi ang kinain ko."Ikaw, bakit konti lang ang kinain mo?"

"Eh kasi hindi ako makakain ng maayos dahil nakikita kong malungkot yung mahal ko na nasa harapan ko ngayon."malungkot na pag amin niya.

Tumingin lang ako sa kanya ng walang expression sa mukha. Pinakita ko lang naman yung nasa loob ko eh. Wala akong maramdaman sa sinabi niya, hindi ako kinilig o ewan. Hindi ko alam kung bakit.

Nadistract ang walang imikan moment naming dalawa nang mag ring ang phone niya. Nilabas niya ito at kitang kita sa mukha niya kung paano siya mabadtrip ng makita niya ang pangalan sa screen lock nito.

Incoming call: Camille

"Oh bakit hindi mo sagutin?"walang gana kong usisa sa kanya. Tinignan niya na muna ako bago sinagot ito.

Hindi ko naririnig ang usapan nilang dalawa pero may idea na ako ko kung ano. Mukha palang ni Cad, alam na alam ko na.

Nang matapos silang mag usap, hindi na siya makatingin ng maayos sa akin.

"Boss, pwedeng--"pinutol ko agad ang sasabihin niya dahil alam ko naman na.

"Okay na boss, sige na. Pumunta ka na, alam ko na."

"Boss, sorry talaga. Hindi ko alam na may--"inosenteng pagpapaumanhin niya. Tumango nalang ako."Sige na, pumunta kana. Kailangan ka ni Camille dun."hinalikan niya na ako bago siya umalis at nag paalam sa barkada. Tama naman ang ginawa ko diba? Ganun naman ang supprotive at understanding girlfriend. Kaya inintindi ko uli ang sitwasyon niya.

Nag paalam na muna siya sa barkada bago pa umalis at iwan ako dito na kunyareng nakiki-party pero hindi naman talaga.

- - -

Ganun ang nangyayare araw araw. Kung hindi niya ako susunduin at iiwan pagkatapos, iindianin niya naman ako sa usapang mag kikita dapat kami.

Hanggang sa masanay na ako sa mga ginagawa niya. Second choice araw araw, umiintindi araw araw at ang nag bibigay ng oras para sa kanilang dalawa ni Camille. Hanggang sa hindi na rin ako umiiyak dahil immune na immune na ako sa sitwasyon naming dalawa na ganun.

Nung una, ay akala ko magiging miserable ang buhay ko sa ganung sitwasyon namin ni Cad. Pero nagkamali pala ako dahil mayroong iisang taong nag papasaya sa akin at hindi ako hinayaang lumuha sa mga panahong wala yung boyfriend ko sa tabi ko.

Siya ang kasa-kasama ko araw araw at ang walang sawang pumupuna sa mga absences at nagiging pagkukulang ni Cad bilang boyfriend ko. Ang tumatayong boyfriend ko sa dalas niya akong sunduin kaysa kay Cad at ihatid pauwi.

Madalas kaming magkita na dalawa. Hindi man namin sadyain pero mukhang hindi lang si ate Zirri ang gumagawa ng paraan para magkita kami, kundi pati ang tadhana.

Ngayon, buong araw kaming andito sa condo niya at nag movie marathon. Pareho kami kasing nabuburyo sa bahay namin.

Kakatapos lang namin nanuod ng 6 movies. Ang saya kaya tapos may popcorn at chips pa.

Naisipan naman namin ngayon mag punta sa nipa-hut ng bahay ni kuya Gelo na malapit sa garden. Dito kasi namin naisipan kumain ng ice cream.

"Ading, may pupuntahan ka ba bukas?"tanong niya habang kinakain ang apa ng rocky road ice cream niya.

"Wala."madaling sagot ko."Bakit? May pupuntahan ba tayo?"ang ewan nitong tono ko ah, pero napaka excited ng dating ng tanong ko.

Tumango siya."Oo. Ayos lang ba sayo? Na, isama kita?"

"Siyempre naman."pagpayag ko."Pero lagi na tayong nagkikita noh, napansin mo?"

Napangiti siya sa sinabi ko."Kaya nga eh. Masaya ako sa ganitong sitwasyon natin ading, kung pwede lang sana, ako nalang ang maging boyfriend mo."nahihiya niyang pag amin. Natahimik ako saglit dahil may kung ano nanaman akong naramdaman sa loob ko. Ilang araw ko na tong nararamdaman simula nung mag sama kami ng madalas.

"Sorry, ading. I didn't mean to speak mind out. Wag kang mag alala, hindi naman na ako aasa eh."natarantang sabi niya

Pero nginitian ko lang siya."Ayos lang yun."sambit ko."Katunayan nga, pakiramdam ko ikaw ang boyfriend ko."

Biglang naging awkward nag sitwasyon namin dahil pareho kaming napapangiti sa isa't isa ng hindi maintindihan.

"Gusto mo ng ice cream?"tanong ko sa kanya dahil ubos niya na yung kanya.

Nginitian niya lang ako mas lalo. Ang titigan na to? Hindi ko alam kung saan kami dadalhin nito. Basta ang alam ko, mas gusto ko pa siyang makasama kaysa sa boyfriend ko.

______________________________________

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon