Chapter 37

223 6 2
                                    

______________________________

Tuluyan na sana akong papasok sa loob ng bahay nang may narinig akong dalawang taong masinsinan na nag uusap sa likod ko. Nag aangasan at mahina ang boses nila ngunit sapat na iyon para marinig ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hindi ba ako dapat ang mag tanong sayo niyan? Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto ko lang bisitahin si Jessi. E ikaw?"

"Hinatid ko girlfriend ko. Hoy pwede ba wag ng landiin syota ko. Mahiya ka naman!"

Hindi ko na natiis ang mga naririnig ko kaya nilingon ko silang dalawa. Si Kuya Gelo at si Cad nag sasabatan.

"Kuya Gelo?" Lumapit ako sa kanilang dalawa at ibinalin ang tingin ko kay Cad. "Bakit mo ba siya pinagtatabuyan? Wala naman siyang ginagawa sayo ah. Akala ko ba aalis ka na?"pagmamataray ko sa kanya. Hay, kailangan kong galingan ang pag arte dahil bumabalik ang feelings ko sa kanya. Isa pa, nandito rin si kuya Gelo kaya keribells.

Napabuntong hininga nalang si Cad at tumingin sa labas ng gate.

"Sorry ading ah. May gusto lang sana akong sabihin sayo, naistorbo ba kita?"maayos na sagot naman sakin ni kuya.

Muli namang sumabat si Cad."Sus. Palagi naman eh. Hindi sapat ang istorbo, epal pa."

Tinamaan ko siya ng isang malamig na tingin kaya naman bago pa ito mag salita ulit ay itinikom na nito ang bibig niya.

"Kuya ano ka ba, never ka naman naging istorbo sa'kin. Palagi akong mag lalaan ng time para sayo. Halika, pasok ka muna sa loob." aya ko habang nakangiti lang ng malaki sa kanya. Alam kong bwisit na bwisit si Cad dahil sa kacornihan ko kay kuya at feeling niya rin kasi wala siya don, haha. Saya pag tripan ni Cad.

Tumingin ng saglit si kuya sa gawi ni Cad at tsaka ngumiti ng tipid sa akin. "Hindi nalang ading. Sa ibang araw nalang. Mukhang may kailangan pa kayong pag usapan ni Cad eh. Sige ah. Alis nako."paalam niya

"Jessi, sino ba yang kausap mo? Mga kaibigan mo ba yang mga yan?"lumabas si tito na mukhang katatapos lang mag dilig ng halaman sa garden ng bahay.

"Opo tito. Pero wag po kayong mag alala, aalis na rin naman po sila eh."sabi ko

"Good afternoon po tito." sabay pang bumati ang dalawa tsaka nag tinginan ng masama

"Oh Gelo, ikaw pala yan. Ngayon lang kita nakita ah. Halika, kumain kana muna. Sabayan mo na kami ni Jessi."masiglang aya ni tito. Tatanggi pa sana si kuya pero todo pilit lang si tito sa kanya. Malaki kasi ang tiwala sa kanya ni tito. alam mo na yung panay na pag punta niya dito at pag alaga niya sakin sa tuwing busy sila tita na nag aasikaso sa restaurant.

"Eh itong isang lalaking to, sino ba to? Nobya mo ba to Jessi?"tanong uli ni tito at akmang sasagot na sana si Cad ng oo pero siniko ko siya sa tagiliran niya. "Hindi po tito. Aalis na po itong classmate ko eh."patay malisya kong sagot.

"Ah ganun ba, mabuti pa kaya. Kumain kana rin sa loob, para magkabonding naman kayo nila Jessi at ni Gelo."

"Pero tito--"tinakpan ni Cad ang bibig ko

"Naku, ayos po yun tito. Gutom na rin po kasi ako eh."nangingiting sabi ni Cad tsaka na kami dumiretsyo sa loob.

Inihanda na namin ang hapag kainan dahil pansamantalang tinitignan pa ni tito kung okay na yung niluluto niyang sinigang.

Kukuha na sana ako ng pinggan ng, "Ako na Jessi. Kailangan ko ng mag sanay na gawin ito."sabi ni Cad habang kinukuha ang pinggan sakin. "Ha? Bakit kailangan mong masanay?"tanong ko naman."Eh syempre, pag mag asawa na tayo. Kailangan ko to matutunan, pag sisilbihan ko kayo ng mga magiging anak natin."agad na sagot niya tsaka tinaas taas pa ang dalawa niyang kilay. Napanganga nalang ako at napa"Ewan ko sayo." si kuya Gelo naman ay halatang inis sa sinabi ni Cad.

"Ayan, tapos na yung niluto ko. Halina kayo, at kumain na tayo. Kumain kayong mabuti ah."nakangiting sabi ni tito at tsaka inilapag ang malaking mangkok na nag lalaman ng niluto niyang ulam.

Umupo na rin si tito at itinulak ni kuya Gelo ang isang upuan para makaupo ako. Hinawakan niya rin ang isang upuan na nasa tabi ko upang itulak ito para makaupo siya dito ng hawakan din ito ni Cad.

"Ako dito."seryosong bulong sakanya ni kuya

"Ako ang nararapat sa tabi ni Jessi at hindi ikaw."pabalik na bulong naman sa kanya ni Cad.

"Matagal nakong nakapwesto jan sa tuwing kakain ako dito. Hindi mo deserve ang upuan na yan, ako jan."ganti uli ni kuya

"Anong sabi mo? Paki ulit nga." namingkit ang mata ni Cad na parang hindi niya narinig ang sinabi niya kaya kailangan niyang ipaulit ito.

"Ang sabi ko, hindi mo deserve ang pwesto na yan. Parang pwesto mo sa puso ni Jessi, hindi mo deserve." nakangising sinabi yun ni kuya Gelo.

Nag kuyom ang mga palad ni Cad at parang gusto niya ng suntukin ito.

#BOOM PAHIYA!

Hahahahaha. Cute ng napahiyang mukha ni Cad, napapatawa tuloy kaming dalawa ni kuya Gelo ng patago eh.

Na-awkwardan naman ng pagkakadinig si tito kaya muli na itong nag salita.

"May upuan pa dito sa tabi ko. Baka gusto niyo rin akong tabihan? Hijo, Dito kana umupo sa tabi ko."

Napatawa nalang ng mapakla si Cad tsaka inirapan si kuya. Umupo nalang siya sa tabi ni tito dahil wala na siyang magawa.

Teka, ano to? Bawian? May one point na silang dalawa sa akin?

Score board:

Cad- 1 *Kinuha ang pinggan kay Jessi at bumanat dito*

Gelo- 2 *Binara si Cad at nakuha ang pwesto sa tabi ni Jessi*

Aba aba, sino kayang mananalo? Sino bet niyo mga kababuyan? Comment nga oh. Lels. Mag papansin nga daw kayo kay ms. Author para hindi sabawin ang utak. Shige nuhhh?

"Kamusta ka naman Gelo? Ang tagal mong hindi nag punta dito ah." panimula ni tito. 

"Ayos naman po ako tito Ben. Pasensya na po. busy po kasi lately kaya 'di na po ako masyado nakakadalaw. Kamusta po kayo dito ni auntie Marieta?" ngumuya muna si kuya at tsaka tumingin kay tito.

"Ayos naman din kami. Ano? Sinagot ka na ba ni Jessi hijo? Boto pa naman ako sayo." pagbibiro ni tito tsaka tinapik si kuya sa braso. Nag tinginan lang kaming tatlo nila kuya at ni Cad.

"Ah, e hindi po ako nanliligaw kay Jessi." matipid na sagot ni kuya na habang hindi ako tinitignan.

"Bakit naman?"

Tumingin muna sa aming dalawa ni Cad si kuya bago sumagot, "May iba po kasing gusto si Jessi e."

"Sino? Yung gagong nanloko pa rin ba sa kanya? Yung Cad ba yon Jessi? Hindi ba sinabi kong kalimutan mo na yun?"

Lumaki naman ang mata ko at biglang hindi makatingin kay Cad. Ibinaling niya ang tingin niya sa gawi ni Cad. "Ikaw hijo? May nobya ka na ba?"

"Wala pa po eh. Pero may gusto po ako dun sa best girlfriend ko. Nililigawan ko po siya at alam ko naman pong gusto niya rin ako, pero nag papakipot lang." patay malisyang sagot ni Cad habang binibigyan ako ng isang nakakabwisit na ngiti.

Napaikot ako ng mata.

Ang kapal ng mukha nitong mag parinig sa'kin. Lakas talaga mag feeling neto. Mafifeeling! Well, tama naman kasi ang feeling niya.

"Ganun ba? Ahy, ipagpatuloy mo yan hijo. Wag kang sumuko. Teka, kilala mo ba yung nanloko dito kay Jessi?"sumunod na tanong naman ni tito.

"Po?"

"Gago kasi yung lalaking yun e. Pinaglaruan tong sexy, maganda, at matalino kong pamangkin. Maupakan nga yun pag nakita ko." nag patunog pa si tito ng kamao

"Tito naman." suway ko

"Teka nga pala, ano nga palang pangalan mo hijo?" tumingin uli siya kay Cad

"Po? Ako po?"

Pinandilatan ko ng mata si Cad as a signal na wag siyang umamin kay tito ng totoo, pero ang siraulo, mukhang hindi makuha senyas ko.

__________________________________________


My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon