Chapter 18

270 11 5
                                    

Zirri's POV

Ang hirap pala ng ganito. Dalawa ang pinagtratrabahuan mo. Palipat lipat ka. Sobrang nakakapagod. Hilong hilo na nga ako at nasusuka.

Mga isang buwan mahigit na rin simula nu'ng gawin ko ito. Ang mag trabaho sa dalawa. Pinagtalunan kasi namin ito ni sir Garnette. Ito ang gusto niyang mangyari. Dahil ayaw niyang pumayag sa gusto kong pag alis sa restaurant niya, at ayaw niya rin tanggapin ang resignation letter ko.

Dito sa restaurant ni tita, chef ako halo waitress din, dun kay sir Garnette, waitress lang pero todo sermon naman.

Palagi nga akong nasesermonan, sino ba naman kasi ang hindi masesermonan dahil hinahati ko ang katawan ko sa pareho kong pinagtratrabahuan ko?

May pa-promo pala kami ngayon sa restaurant ni tita. May free beer from 10 pm-12 am So, 24 hours kami. Bar na nga rin kasi to eh. So ayun, kawawa nga si Jessi, wala siyang kasama ngayon sa bahay matulog.

"Zirri, may tumatawag sayo. Si Gelo." inaabot sa akin ni ng isang trabahador ang phone kong naiwan ko sa labas ng kusina.

"Pakitutok na lang sa tenga ko. Salamat."

Ginawa naman niya ang sinabi ko.

"Hello ate Zirri? Si Jessi po, Nahimatay siya kanina, mataas po ang lagnat niya."

"Ano? Kamusta siya ngayon? Ano ang lagay niya?"

"Okay naman na po siya. Inuwi ko na po siya at natutulog na."

"Naku, salamat Gelo. Pero paano 'yan, may pa-promo kami ngayon at parami ng parami ang customer. Mukhang hindi kami makakauwi nila tita."

"Kung ganu'n wala pong kasama si Jessi?"

"Gelo, pwede ba akong huminga ng pabor?"

"Ano po 'yun?"

"Pwede bang dyan ka na muna matulog sa bahay ngayon?"

"Po? Gusto ko po sana, pero ayos lang po ba sa inyo?"

"Oo. Kakapalan ko na 'yung mukha ko. Ayos lang ba?"

"Ayos na ayos lang po sa'kin. Kanina ko pa po 'yan iniisip pero kayo lang iniisip ko."

"Naku, salamat talaga Gelo. Iiwan ko kapatid ko sa'yo ha. Bantayan mo siya."

"Salamat po sa tiwala ate Zirri. Wag ka pong mag alala, aalagan ko po siya."

Pinatay na niya ang tawag at iniwan sa lamesang nasa harapan ko ang cellphone ko. Tinuloy ko na ang ginagawa ko. Kawawa naman si Jessi, sana gumaling na siya. Kung pwede lang, samahan ko siya du'n eh. Pero ang dami kong ginagawa. Nag luluto pa ako ngayon ng tig tatlo at apat na putahe para sa dalawang table.

Nag ring na naman ng sunod sunod ang phone ko pero hindi ko pa ito masagot dahil marumi ang kamay ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag, si Sir Garnette pala.

Nang makarinig pa ako ng ilang pag ring, narindi na ang tenga ko kaya nag hugas na ako ng kamay ko para sagutin ito.

"Zirri pumunta ka na dito! Ano ba! Kanina pa ako tumatawag hindi ka sumasagot!"

"Sir, mamaya nalang po kasi nag luluto pa po ako ng tig tatlo at apat na putahe para sa dalawang table."

"Eh pano naman ang responsibilidad mo sa restaurant ko?" pinatayan ko na si sir dahil alam kong galit na galit na siya at ipinagpatuloy pa rin ang pagluluto ko. Mamaya ko na lang siya kakausapin kapag medyo kumonti na ang customers dito.

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon