CHAPTER 1
"Class dismissed," I announced as I turned around and picked up the eraser.
It's second day of classes and yet, I feel tired already. Hindi rin kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Kaya antok na antok ako ngayon. Gusto ko nang mahiga.
Akma ko nang buburahin ang lecture sa white board nang marinig ang tinig ng isa kong estudyante. "Dean Luna."
Lumingon ako upang tingnan siya. "Why? Do you have questions about the lesson?"
"Aside from being the dean of two colleges, you are also known as the strict interior design professor. For you, what's the essence of interior design?"
That is a random question. And I like it. Ngayon lang din naman nangyari na sila pa mismo ang nagtanong sa akin tungkol d'yan. Imbes na akong guro. It can also be considered as their recitation.
"It's all about the people and how they live, and enjoy their surroundings," I answered confidently. "Interior design supports someone's interests and preferences, and creates environment that people feel good every time." I smiled. "Is my answer enough for the class to finally end?"
Nagtaas ng kamay ang isa pang estudyante. "Though we can't go in to your mansion, we saw its interior that was published last year. And that's when we knew na gano'n po pala ang interior design ng newlyweds? It's classy, elegant and organized."
Right after mapatayo ang mansion, dinagsa iyon ng media. Hindi naman namin sila pinigilan, basta susunod sila sa patarakan. Lalo na sa proper etiquette of visiting the royals' house. At dahil do'n, kumalat ang litrato ng interior design na hinangaan ng lahat. Especially that it's my design.
My lips arched. "Yes."
"So, you probably enjoy it, Dean. Lalo na't kasama mo po ang iyong pinakamamahal," ani pa ng isa dahilan para magsigawan ang buong klase.
Enjoy? Mahina akong natawa sa aking isip. Paano ko mae-enjoy 'yon kung ako lang palagi ang nando'n?
"Hindi makasagot si Dean Luna kasi deep down, kinikilig," tudyo pa nila kaya lalong umingay.
Pilit akong ngumiti. "Quiz next meeting."
Sabay-sabay pa silang sumimangot at umangil ngunit wala ring nagawa nang tumalikod na ko at lumabas ng silid. Sakto namang nakasalubong ko ang Vice President ng university kasama ang mga bagong hire na guro.
"Princess Luna," bati nila saka yumuko bilang paggalang.
"I prefer Dean Luna when I'm inside the university," I uttered coldly.
Ngumiti naman ang bise presidente. "Earlier, through footage, I showed them how great you are in teaching while handling the students properly."
Tumango ako. Lahat ng classroom sa eskwelahang ito ay may CCTV kung saan dinig din ang pagtuturo ng mga guro ngunit naka-mute naman ang mga estudyante. Maghahalo ang record kung isasama pa ang boses nila.
"Ang ganda mo po talaga, Dean Luna!" anang isang guro na bakla na talagang kinagulat ko. "Pak na pak ang overall outfit! Pati na rin ang red lipstick! Bagay na bagay po sa 'yo ang title na Princess Royal! Plus the handsome Archduke doctor! Perfect!"
Mapait akong ngumiwi. Kung alam niyo lang. Malayo sa perfect ang buhay ko ngayon.
Pinanlakihan siya ng mata ng bise presidente. "Stop it. Have you forgotten the word respect?"
"It's fine. It's his way of complimenting me," I blurted. "Anything else?"
Muli siyang bumaling sa akin. "Hindi niyo po ba talaga tatanggapin ang offer from Germany?"

BINABASA MO ANG
One With You
RomanceWarning: Matured Content "No matter where your love leads, there will I be. Because I am destined to be one with you."