CHAPTER 36
"This is awesome!" Iver shouted in joy. "I love my room."
"Careful, baby," I said, checking him. "Put your bags on the floor. Ako na ang mag-aayos niyan mamaya."
Kalilipat lang namin ngayon. Kaunti lang naman ang gamit namin ni Iver dahil hindi ako naging maluho. Pwera na lang 'yong mga laruan at libro ng anak ko.
"Ako na," prisinta ni Israel at kinarga ang anak. "Right, baby?"
Nakangiting tumango si Iver. "Thank you, dad! You're the best." Saka niya hinalikan sa pisngi ang ama.
"What about me?" tampo ko pang sabat saka nilapitan siya. "Where's my kiss?"
Iver giggled and kissed me on the lips. "I love you, mom."
"I love you too, baby."
Sinundan ko siya ng tingin nang magpababa sa ama at natutuwang tumalon-talon sa malambot na kama.
Sa loob ng isang araw, napagawan ni Israel ng sariling kwarto si Iver. Customized pa dahil ang gusto ng anak namin ay Superman ang theme ng interior habang may golden name plate pang nakaukit sa pinto. Bumili rin siya ng kama na akma sa edad at tangkad ni Iver. May sarili din siyang study table. Lahat na.
Tatalikod na sana ako nang humawak sa kamay ko si Israel at namumungay ang mga matang tumingin sa akin.
"What about me?"
Ngumiti ako. "Gusto mo rin ng kiss?"
Mabilis siyang tumango. "Please, baby?"
"Sige." Lumapit ako upang tampalin ang bibig niya. "Manahimik ka."
Ngumuso siya. "Bibigyan mo na ko ng chance--"
Maliksi akong tumalikod upang umiwas. "Neknek mo."
"Baby!" habol pang aniya. "Please? I'll do everything."
Napailing na lamang ako at pumunta na sa kwarto ko. Dahil nga kaunti ang gamit kong napundar sa Denmark, saglit lang akong nag-ayos sa cabinet. Naisipan ko na ring magbabad sa bathtub upang guminhawa.
Ngunit habang nakapikit ako at dinadama ang bula, bigla na lang nanumbalik ang alaala namin ni Israel na naghahalikan sa ilalim ng shower! Napabalikwas ako at dagli iyong winaglit sa isip.
Ganyan ka na ba katigang, Luna?
Paulit-ulit kong tinutuktok ang ulo, pinapagalitan ang sarili hanggang maisipan kong magbanlaw. Nagbalot ako ng robe sa katawan habang tuwalya sa buhok saka nagpisik ng pabango.
Gano'n na lamang ang gulat ko paglabas nang madatnan si Israel sa kama ko!
"You done?" Ngumiti siya. "Turn ko na pala."
Napaamang ako. "A-Anong ginagawa mo rito?"
"It's our room, baby. Of course, I'm allowed here."
"Our room?" Mapakla akong natawa. "Nahihibang ka na ba? Do'n ka sa kwarto mo."
"Hindi ko mabuksan ang kwarto ko."
"Sinungaling." Kinumpas ko ang kamay. "Alis!"
"I swear. Hindi ko talaga mabuksan. Pinaglaruan ni Iver kahapon."
"So? Alam mo naman ang password do'n."
"Alam ko nga pero dahil pinaglaruan ng anak natin, isang buwan pa bago ko pwedeng i-enter ang password. You know, just like cellphones if you forgot your password and tried to access it for more than four times."
I rolled my eyes. "Problema ko pa ba 'yon? Do'n ka sa kabilang kwarto."
"Occupied na 'yon. Dito na lang ako." Hinagkan niya ang bewang ko. "Please, baby? Hmm?"
![](https://img.wattpad.com/cover/282270961-288-k161494.jpg)
BINABASA MO ANG
One With You
Любовные романыWarning: Matured Content "No matter where your love leads, there will I be. Because I am destined to be one with you."