CHAPTER 13

253 10 8
                                    

CHAPTER 13

"Ate Luna!" masiglang sambit ni Law na bigla na lang pumasok sa kwarto ko. "Are you done fixing yourself?"

Napalingon ako sa kaniya matapos ayusin ng stylist ang buhok ko. "You're too loud. What brings you here, bunso?"

"I heard from Manang Beth na ngayon daw kayo magkikita ng fiancé mo?"

I raised my eyebrow. "And so?"

"I'm just excited." Nakangiti pa siyang umupo sa kama ko at tiningnan ako mula sa repleksyon ng salamin. "Balita ko mabait daw 'yon. Kaya nga siya ang napili ni dad para sa 'yo."

"You'll be joining us later at lunch. Behave, okay? Don't brag uncessessary and inappropriate questions about him."

"I know." He even crossed his arms. "I already made a background check."

"Law," I said, warning him. "That would be the last."

"Ate naman. Syempre concern lang ako sa 'yo. First fiancé mo siya base sa batas ng pagiging Princess Royal mo. Dapat sigurado kaming maaalagaan ka niya."

"He will." I waved my hand. "Get out."

Ngumuso pa siya at saka nagmartsa paalis dahilan para matawa ang mga nag-aayos sa akin.

Matapos akong lagyan ng make up ay tinulungan nila akong suotin ang tradisyonal na kasuotan. Maging ang pananamit ko ay kasama sa engagement ceremony na naaayon sa Royal Law of Moon Empire. Mahigpit iyong pinatutupad na kailangan kong sundin.

"Perfect!" Pumalakpak ang dalawang bakla na nag-ayos sa akin. "You're so beautiful, Princess Luna! Sigurado kaming hindi ka na pakakawalan ng iyong fiancé!"

I smiled. "Thank you."

"Pero sino nga po pala ang fiancé mo, Princess Luna?" bulong pa nila, ramdam ko ang kaba sa kanila dahil bawal itong ginagawa nilang pangangalap ng impormasyon. "Nakaka-curious kasi."

"Did you sign the contract?" I asked instead.

Ang sinasaad ng kontrata ay hindi nila maaaring sabihin o ipagkalat sa buong emperyo ang nangyayari ngayon sa palasyo. Kung sakali mang sumuway sila, agad silang ikukulong at may karampatan iyong parusa na maaaring madamay ang kanilang pamilya.

"Opo, mahal na prinsesa. Huwag po kayong mag-alala. Naka-zipper po ang aming bibig."

Nilapit ang mukha sa kanila. "He belongs to Valkyrie faction."

"Princess Luna naman, eh," angil nila, nakasimangot. "Alam po namin 'yan dahil matagal nang nakasaad 'yan sa batas. Pangalan po ng fiancé niyo ang gusto naming malaman."

"Hindi ba't kasama rin kayo sa ceremony para siguruhing maayos ang itsura ko?" Tumango naman sila. "Do'n niyo malalaman kung sino siya."

"Ay, may pa-coming soon ang prinsesa! Bongga yata talaga!" Saka sila nagtawanan.

Hinatid na rin nila ako pababa hanggang matagpuan ko ang aking Amang Hari at dalawang kapatid na naghihintay sa sala. Sabay-sabay pa silang lumingon sa akin saka binigyan ako ng ngiti at yakap.

"Let's all welcome the first and only Princess Royal of Moon Empire, Princess Luna Mendez."

Umalingawngaw ang malakas na palakpakan mula sa dalawang pamilya na ngayon ay mag-iisa para matupad ang batas.

Nakangiti akong lumakad sa red carpet habang nakakapit sa braso ni King Lennox. Masyadong pribado ang okasyon na ito kaya naman mabibilang lang ang mga bisita. Isa na roon ang matalik kong kaibigan na si Dr. Israel Lennert, kasama ang tita at lola niya.

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon