CHAPTER 26

269 19 11
                                        

CHAPTER 26

"Iver?" Naghalo-halo ang emosyon sa aking dibdib. "What are you doing here?" Sinulyapan ko si West na nakasunod sa kaniya. "What's the meaning of this?"

"Mom!" Tumakbo siya palapit sa akin at yumakap. "I miss you!"

Naupo ako upang magpantay ang aming tingin. "I miss you too, baby." Hinalikan ko siya sa noo at pisngi. "But how did you get in here?"

"Mom..." he sobbed. "Don't leave me again."

Hinawi ko ang buhok niya at hinaplos ang kaniyang pisngi. "I'm sorry. Mommy will not leave you again."

Tumango siya saka muling yumakap sa akin. Sa takot na makita siya ni Israel ay binuhat ko siya at pinasok sa aking silid. Agad din namang sumunod si West.

"Are you okay?" alalang usal ko nang iupo ko siya sa kama at pinalis ang kaniyang luha. "Stop crying, baby. I'm here. I won't leave you. Hmm?"

"You said, it's dangerous here." Inosente niya pang ginala ang tingin. "But it doesn't look like it can harm you." Huminto ang mata niya sa akin at ngumuso. "Where are your students, mom?"

"T-They left," pagsisinungaling ko saka pilit na ngumiti. "Pauwi na rin sana ako sa house natin kaso dumating ka."

"Can we stay here for one more day?" He held my hand. "This place is not bad as it sounds like. I even saw kids playing on the huge playground a while ago. I also want to try their tree house. Wala pong gano'n sa Denmark. Please, mom?"

Napabuntong-hininga ako at tumango. "As long as you're happy, baby."

"Yey!" Patalon siyang bumaba at yumakap sa akin. "Thank you, mom! I love you!"

"I love you too, baby."

Nakangiti ko siyang pinanood na tumungo sa sala upang tumanaw sa malaking bintana kung saan tanaw ang naglalakihang gusali ng siyudad.

"I'm sorry," mababa ang tonong bigkas ni West. Dahilan para mapalingon ako sa kaniya at nadatnan siyang nakayuko. "Alam kong ayaw mo siyang papuntahin dito pero--"

"Anong nangyari?" putol ko saka lumapit sa kaniya. "Paanong nangyaring kasama mo siya?"

"Gaya ng sabi mo, kwentuhan ko siya dahil iyon lang ang paraan para makatulog siya nang wala ka sa tabi niya. Kumuha lang ako ng libro sa mini library niyo pero pagbalik ko, wala na siya sa kwarto. Tinawag ko ang mga tauhan ni Sean upang hanapin siya. Pero hindi namin nakita. Hanggang tumawag na lang 'yong maid na nagpahatid raw si Iver sa airport."

Nasapo ko ang noo. Tinuruan ko siyang tumakas kapag may nakitang bad guys pero hindi sa ganitong paraan. At hindi ko inaasahan na maiisip niyang gawin ito. Gano'n siya katalino.

"Wala na kong nagawa nang magpumilit siyang lumipad papuntang Pilipinas," patuloy niya. "Umiyak siya nang ikaw ang hinahanap, Princess Luna. At alam mong wala akong magagawa kapag gano'n na siya."

"Alam ba 'to ni Sean? Hindi siya sumasagot sa tawag ko kanina."

"Hihingi rin sana ako ng tulong sa kaniya dahil alam kong kaya niyang pakiusapan si Iver na huwag magpumilit na puntahan ka rito. Pero hindi ko rin siya matawagan that time."

Tumango na lang ako dahil nandito naman na. Wala na kong magagawa. Kailangan ko na lang ng tripleng pag-iingat.

"Mom?" Biglang sumilip si Iver. "Don't scold Tito West. It's my fault. I insisted to come here. I'm sorry po."

"Hindi niya ko pinapagalitan, pamangkin," mahinahong tugon ni West. "'Wag kang mag-alala. May mahalaga lang kaming pinag-uusapan."

Ngumiti ako. "May baked mac sa ref, baby. Kumain ka."

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon