CHAPTER 29

269 16 7
                                    

CHAPTER 29

"Doc Israel!" Natutuwang tumakbo palapit si Iver sa kaniya nang magkita sila sa living room. "Are you okay?"

Naestatwa si Israel habang nakatitig sa anak na nasa harap niya. Gumalaw ang kamay niya subalit hindi maituloy kung saan niya hahawakan si Iver, tila isang mamahaling porselana na natatakot niyang mabasag. Matagal silang nasa ganoong estado hanggang mag-angat ng tingin si Israel sa akin nang may nagtatanong na mga mata. Tumango naman ako, tanda na maaari niyang hawakan ang anak.

"I-I'm fine, baby," malambing na sambit ni Israel at marahang umupo upang magpantay ang kanilang tingin. "Can I... hug you?"

Iver smiled and hugged him tight. "Pareho po tayo. Nanghihingi rin po ako ng hug kapag malungkot ako."

Napanood ko kung paanong maingat na bumalot ang mga braso ni Israel sa anak at nang masuyong mayakap ay napapikit siya kasabay nang pagbagsak ng luha sa kaniyang mga mata. Binaon pa niya ang mukha sa leeg ng anak, tila sa gano'n niya pinaparamdam na na-miss niya si Iver.

"I'm not sad," he mumbled. "I'm happy."

"But you're crying po."

Gano'n kabilis niyang pinalis ang luha. "Tears of joy."

"Did my visit make you happy, Doc Israel?"

Tumango siya. "Very happy."

"Then, can I visit you here often?"

"Iver," sabat ko saka umiling. "He's busy."

"Visit lang naman po." Kumalas si Iver at nakangusong tumingin sa akin. "Please, mom."

"Ako na lang ang bibisita sa 'yo, baby," alo ni Israel at hinaplos ang pisngi ng anak. "If that's okay with your mom." Saka siya sumulyap sa akin.

My lips arched. "I'll think about it."

"Mom, hindi na po tayo aabot sa theme park. Dito na lang po tayo kay Doc Israel."

Kinuha ko ang cellphone at nakitang maraming missed calls mula sa pamilya ko na hinahanap kami. At kung hahabol kami roon, baka gabihin na kami.

"I'm sorry. Nasira ko ang lakad niyo," mahinahong usal ni Israel. "Babawi na lang ako, baby."

Nakangiting tumango si Iver. "Let's play po."

Hindi na ko nakasingit sa kanila nang humawak pa si Iver sa kamay ni Israel at niyaya itong tumungo sa malaking cabinet kung saan naka-display ang mga koleksyong toy cars ni Israel.

"Sure, baby." Ngumiti siya at nilingon ako. "Are you okay?"

Ngumiwi ako. "Don't mind me. Focus on him."

Sulitin mo na dahil hindi ka na makakaulit. I will appeal my full custody of our son. Soon.

"Ang daming cars!" masayang wika ni Iver habang tinitingnan ang mga display. "Mahilig ka po sa cars?"

"Yes, baby." Kinandong ni Israel ang anak. "Ikaw din ba?"

Tumango siya. "But recently, I prefer hospital apparatus the most."

"Really?" Kumislap pa ang mata ni Israel nang malaman 'yon. "Why?"

"I want to be a doctor. Like you." Iver smiled. "You treat sick patients kindly. And also, medical mission."

"You're so smart." Sinserong ngumiti si Israel na umabot sa mata. Dahilan para mapatitig ako sa kaniya. "You took after your mom."

"And Papa Sean." He giggled. "Why don't you become friends?"

Lumalam ang mga mata ni Israel, tila nasaktan dahil ang kinalakihang ama ng anak ay si Sean. Ang taong pinagseselosan niya noon pa man.

"Laro tayo," iyon na lamang ang sinagot niya at nilabas ang mga laruan. "Do you want me to buy you toy cars?"

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon