CHAPTER 6
I always told myself. Don't love too fast because some people just come and play with your feelings.
I did. Hindi ako nagmadaling magmahal. Hinayaan kong unti-unting ma-develop ang nararamdaman ko to the point na nagtagal ang pagkakaibigan namin nang hindi ako umaamin sa kaniya. Dahil naniniwala akong may tamang oras para sa aming dalawa.
Then arranged marriage happened. I quickly agreed. At sino ba namang tatanggi? It's Dr. Israel Lennert! The Archduke of Lennert Clan and Valkyrie. Aside from that, we're friends for a long time now. Marami ring umaasa na kami ang magkakatuluyan. And I'm one of them.
I also believed that's the most perfect way for our friendship to level up into something romantic. But all the things I expected didn't happen. He changed into complete different person for no apparent reason.
What a great twist of life, right?
Malungkot akong ngumiti saka muling nagsalin ng alak sa shot glass. Ala una na ng madaling araw pero hindi pa rin siya umuuwi. At heto ako, desperada at baliw na naghihintay sa kaniya.
Bakit ba kasi ako naniwala kay Henry na maaga uuwi ang asawa ko para magkasama naming i-celebrate ang wedding anniversary namin? Eh, alam ko namang dumaan pa sa club 'yon para manguha ng babaeng iuuwi niya rito.
How pathetic I am to think na hindi niya magagawa 'yon sa mismong araw ng anniversary namin.
Mula sa kitchen bar stool na kinalulugaran ko, mabigat ang loob kong nilibot ang tingin sa kabuuan ng mansion. Tahimik ang buong paligid at patay na rin ang lahat ng ilaw. Tanging ang liwanag ng buwan na tumatagos mula sa veranda ang nagsisilbi kong gabay upang makainom ako ng maayos.
Gumigising na lang yata ako para maging professor at dean sa Moon University. Tapos uuwi sa bahay nang mag-isa na parang walang asawa.
And for two years in this marriage, I felt like I'm inside a prison where there's no way out.
"That's enough." Bigla na lang may umagaw sa shot glass ko at nilayo 'yon sa akin. Tinabingi ko ang ulo hanggang tuluyang masilayan si Israel. "You're already drunk."
Tipid akong ngumiti. "Pati ba naman 'to, ipagbabawal mo?"
Tumabi siya sa akin dahilan para maamoy ko ang pabango niyang isa sa mga paborito ko. Nasundan ko rin ng tingin ang pag-inom niya sa alak hanggang sa paggalaw ng adam's apple niya at pagbaba ng baso sa mesa.
"Why are you drinking too much?" usisa pa niya saka nilingon ako.
Doon ko napagtanto kung gaano kapagod ang mga mata niya na ilang araw ding puyat dahil sa trabaho. Magulo rin ang buhok niya subalit nakadagdag pa 'yon sa kaniyang kagwapuhan.
"You forgot that yesterday was our anniversary, didn't you?" Hindi siya sumagot kaya muli akong nagtuloy kahit na nanikip ang dibdib ko sa katotohanang hindi niya talaga natandaan 'yon. "You know that I always support your work as a doctor, right? Hindi naman ako against dahil marami kang natutulungang may sakit. Pero bakit kahit isang beses, hindi mo man lang ako magbigyan ng atensyon bilang asawa mo? Isang oras, Israel." Nagsunod-sunod ang patak ng aking luha. "K-Kahit isang oras lang."
Hinintay ko siya ngunit wala akong nakuhang sagot. Bagkus, nanatili lamang siyang nakatitig sa akin. Kaya kinuha ko ang pagkakataong 'yon para muling lumagok ng alak.
"Akala ko kapag kinasal na tayo, mas magiging maayos ang relasyon natin. Na mas magiging bukas tayo sa nararamdaman natin para sa isa't isa. Pero akala ko lang pala ang lahat dahil bigla ka na lang nagbago."
Mas lumapit ako sa kaniya at nang muntik na kong mahulog sa upuan ay agad niyang nasalo ang aking bewang. Inaasahan kong aalisin niya ang kamay ngunit nanatili iyong nakayakap sa akin.

BINABASA MO ANG
One With You
RomanceWarning: Matured Content "No matter where your love leads, there will I be. Because I am destined to be one with you."