CHAPTER 16
"Let's talk." Iyon agad ang namutawi sa bibig ni Israel nang makauwi kami sa mansion.
Mula pa kanina ay hindi na tumigil ang malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Mukhang narinig niya ang naging usapan namin ni dad kanina. At natatakot ako sa maaari niyang sabihin tungkol doon.
"Come on, Luna." He motioned me to sit on the other side. "You have a lot to explain."
I shook my head as I remained standing. "What is it? Make it fast. I want to rest."
Mula paggising pa lang kaninang umaga ay pagod na ko. Bagay na pinagtataka ko dahil isang klase lang naman ang tinuruan ko kahapon at kanina naman ay nagbantay lang ako sa quiz nila.
"You're a spy." He stared at me emotionless. "Is that an order from King Luca?"
"I chose to be a spy. King Luca granted my request."
He clenched his jaw. "Why?"
"Because I don't want to be stuck here?" Ngumiwi ako. "At hindi lang din naman sa pagtuturo pwedeng umikot ang buhay ko, right? I have my duties and responsibilities as the Princess Royal."
"And you think being a spy is also one of your duties?"
"Yes," taas-noong tugon ko. "Kung wala ka ng tanong, aakyat na ko. Please. I'm really tired."
Pagtalikod ko ay mabilis siyang tumayo at humarang sa harap ko.
"Tell me about the details."
Nangunot ang noo ko. "Of what?"
"Kung ano, sino at saan mo ginagamit ang pagiging spy."
Naikuyom ko ang kamao, tila ba sa gano'n ako makakakuha ng palusot. "It's a private matter."
Bahagya niyang tinabingi ang ulo saka matamang pinag-aralan ang aking reaksyon. "Quit."
"What?"
"Quit being a spy, Luna."
"May mali na naman ba sa pagiging spy ko?" Hindi ko na maiwasang mainis. "Pati ba naman 'yon aalisin mo sa akin?"
"If you don't quit, I will appeal this to King Luca."
Hindi ako makapaniwalang umiling. "You can't do this to me, Israel."
"I can." Mas nawalan ng reaksyon ang mukha niya. "Wala kang ibang gagawin kundi magturo sa MU at uuwi sa bahay na 'to. Maliwanag ba, Luna?"
"Hindi na kita maintindihan." Nagpigil naman ako pero kusa nang kumawala ang luha sa aking mga mata. "B-Bakit mo ba 'to ginagawa sa akin, ha?" Hinampas ko siya sa dibdib. "Sabihin mo sa akin para naman alam ko kung saan ako lulugar. O kung may lugar ba talaga ko sa buhay mo?"
"You're my wife, Luna."
"Yeah. Wife." Sarkastiko akong tumawa na may kasamang hagulgol. "Asawa mo lang ako sa batas at sa harap ng emperyo, Israel. Hindi sa bahay na 'to! Ang husay mong magsalita ng ganyan pero iba naman ang trato mo sa akin."
"Stop," pigil niya sa kamay kong kanina pa siya hinahampas. "I said, stop."
"Bakit? Nasasaktan ka?" Patay akong tumingin sa kaniya. "Wala pa 'yan sa pananakit mo sa akin."
Umiwas siya. "Stay here. I'll be--"
Hindi na niya natuloy ang sinasabi nang bumukas ang main door at pumasok si Henry kasama ang isang pamilyar na babae.
"Hi!" Chasty waved her hand and smiled at me. "I'm sorry, I'm late."
"What are you doing here?" I asked in gritted teeth.
![](https://img.wattpad.com/cover/282270961-288-k161494.jpg)
BINABASA MO ANG
One With You
RomanceWarning: Matured Content "No matter where your love leads, there will I be. Because I am destined to be one with you."