CHAPTER 33

207 13 8
                                    

CHAPTER 33

"Mom." Iver smiled brightly when he saw me with his father came inside the mansion. "You're here." He hugged me. "Thank you. I'm so happy."

Yumakap ako pabalik at hinalikan siya sa pisngi. Hindi na rin ako dumepensa. Mas mahalaga na napasaya ko ang anak ko. Kahit hindi naman orihinal ang intensyon kong matulog dito. Makikisama na lang ulit ako sa ama niya.

"Magpalit ka muna ng damit," masuyong sambit ni Israel. "Nabasa ka. Baka magkasakit ka niyan."

Ngumiwi ako. "Wala akong dalang pamalit."

"May damit do'n--"

"Kung damit 'yon ng mga babae mo, 'wag na lang," putol ko gamit ang mahinang tinig, iniiwasang marinig ng anak namin. "Kaya kong magtiis sa suot ko ngayon."

Napabuntong-hininga siya. "It's the clothes you left before."

Natigilan ako. "N-Nando'n pa rin 'yon?"

"Hindi ko pinagalaw kay Manang Beth. Dahil alam kong babalik ka rin dito." Tipid siyang ngumiti, mataas ang kompiyansa sa binanggit. "Magpalit ka na. Tapos bumaba ka rin para makakain na tayo ng dinner." Saka niya kinarga si Iver at sabay silang tumungo sa kitchen.

Oh, bakit natameme ka? Hindi mo expect 'yon, 'no?

Napangiwi ako sa sulsol ng aking isip. Malay ko ba kung tinapon na niya. Dahil hindi nga niya tinanggap ang anak namin noon, damit ko pa kaya? At saka limang taon na ang nakalipas. Mangangamoy 'yon kung naka-stock lang at hindi ginagalaw.

Ngunit nagkamali ako nang makapasok ako sa kwarto at buksan ang cabinet. Maayos pa ring nakasalansan ang mga damit ko ayon sa color shade at mabango rin, tila alagang-alaga.

May sentimental value sa akin ang iba rito dahil pinamana 'yon ni Mommy Lucia sa akin habang ang kaunti namang naiwan niya ay sinusuot ko rin.

Kumuha ako ng simple at mahabang night dress upang ipalit sa suot ko. Pinatuyo ko na rin ang ibang parte ng buhok kong nabasa. At habang ginagawa 'yon, nahagip ng tingin ko ang side table.

Wala na roon ang litrato namin ni Israel.

Kumirot ang dibdib ko. Inalis niya?

Inalis niya nga dahil ang naging kapalit naman ay malaking frame na nakasabit sa harap ng kama ko at nasa loob niyon ang wedding picture namin. Sa baba niyon ay nakaimprenta ang mga salitang Mr. & Mrs. Lennert Forever.

Parang hinaplos ang puso ko. Pinapangarap ko lang 'to noon. Pero hindi ko akalaing ngayon ko pa makikita. Ngayon pang nasa proseso na kami ng divorce.

Pinalis ko ang luha at lumabas na ng silid. Ngunit nagulat ako nang masilayan si Israel na nakatayo roon.

"Bakit?" usisa ko sabay iwas ng tingin upang hindi niya mahalata ang pag-iyak ko. "May problema ba kay Iver?"

"Tatawagin sana kita. Kanina pa kasi nagugutom si Iver. Gusto niyang sabay-sabay tayo."

Tumango ako saka nagpatiunang maglakad. Subalit habang bumababa ng hagdan, kinagulat ko ulit nang masilayan ang mas malaking frame sa gitna ng living room. The bigger frame of our wedding picture.

Nagpunta na kami ni Iver dito noong nakaraan. Pero bakit ngayon ko lang nakita 'to? Bakit ngayon pa?

Gano'n na yata talaga ako kaiwas sa mansyong ito upang hindi mapagtuunan ng pansin ang ibang bagay.

"Why?" Sinilip niya ang mukha ko. "Is there something wrong?"

"Alisin mo na 'yon," tukoy ko sa wedding picture namin. "Matagal nang walang saysay 'yan. Lalo na ngayong umuusad na ang divorce papers."

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon