CHAPTER 25
"I thought you'll finish this before lunch?" Israel boasted as he continued to stare at me. "It's past twelve noon."
"Paano ko nga ba matatapos 'to kung kada oras may pinapadagdag ka?" Ngumiwi ako sabay sulyap sa tatlong bundok ng mga folder sa harap ko. "At saka marami kang tauhan para ipagawa 'to."
Kung hindi lang talaga hahaba ang community service ko, hindi ko gagawin 'to. Nakaka-stress! Pero mas nakaka-stress na makasama siya sa isang silid kung saan isa lang din ang space na hinihingahan namin.
"Don't you think it's better this way?" he spoke again. "Your community service."
I raised my eyebrow. "What's better here?"
"Instead of cleaning every guest's room in this floor that will make you tired, you're here sorting my files while sitting comfortably. I even allow you to rest."
Mapakla akong natawa. "Mas gusto ko pa ngang mapagod ng todo, kaysa manatili sa room na 'to."
Natigilan siya at mas napatitig sa akin. "Ang tagal mong nawala."
Hindi ako sumagot at muling bumaling sa ginagawa.
"Where did... you go?"
"I'm sorry but I can't take a personal question." I smiled. "I'm only here to complete my community service as my last time being a citizen of this empire."
"You still have one year before that happens. Marami pang posibleng mangyari."
Hindi ako nakasagot. Lalo na't bumalik sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni King Luca kahapon. Kung iga-grant niya ang request ko, I have no choice but to stay here as the Princess Royal. Hindi na nila ako ide-dethrone. Bagay na bumabagabag sa akin.
Paano ba ako makakaalis sa pwestong 'yon? Gusto ko lang naman ng simpleng pamumuhay kasama si Iver.
Nang maalala ang aking anak ay mabilis kong kinuha ang cellphone at binuksan ang dalawang mensahe.
From: West
Good morning. Ihahatid ko na si Iver sa school. He looks fine but his eyes are sad. He's still longing for you. I'll update you again later.From: Sean
I'm on my way to Moon Empire. See you later.Naghalo-halo na ang emosyon sa dibdib ko. Hindi ko na alam kung ano bang tamang hakbang ang susunod kong gawin. Gusto ko nang umuwi sa anak ko subalit kailangan ko ring tulungan ang kapatid ko.
"Is there something wrong?" Israel asked.
Maliksi kong binalik ang cellphone sa bulsa nang maramdamang tumayo siya.
"N-Nothing," I answered.
"Who are you texting?"
Ayun na naman ang malakas na pagkabog sa dibdib ko nang tumabi pa siya sa akin at hiniga ang isang braso sa sandalan ng sofa.
"Again, I won't answer such personal question." Umayos ako ng upo at tinuloy ang trabaho. "Bakit ba lumipat ka? Hindi ka ba kumportable ro'n sa table mo?"
"It's more comfortable here."
Hindi na ko nagsalita pa at piniling i-focus ang atensyon sa ginagawa. Ngunit talaga yatang nananadya siya nang lumapit pa siya sa akin.
"Let's have lunch, Luna. I'm sure you're hungry."
Sakto namang kumulo ang tiyan ko. Mabuti na lang ay hindi niya narinig dahil bago pa 'yon ay lumayo na ako.
"Ikaw na lang. Tatapusin ko pa 'to."
He snapped his finger. "Henry."
Siya namang pagbukas ng pinto at niluwa si Henry na tinutulak ang trolly ng mga pagkain. Iyon lang naman ang mga pagkain na na-miss kong kainin na dito lang sa Moon Empire mabibili. Ang mga pagkaing paborito ko mula pa noong bata ako.
BINABASA MO ANG
One With You
Любовные романыWarning: Matured Content "No matter where your love leads, there will I be. Because I am destined to be one with you."