CHAPTER 12
Nagmamadali akong pumasok sa office ko at nanghihinang napasandal sa pinto kasabay nang malakas na paghagulgol.
Him being cold to me for two years really hurt me. But seeing him happy with other woman hurt me even more. To the point that it's already killing me inside.
Alam ko naman, eh. I'm fully aware of my actions. Nagpapakatanga ako, nagpapaka-martyr, nagpaparaya, nagbubulag-bulagan, nagfee-feeling na mahal din niya ko, assumera at kung anu-ano pang kahibangang ginagawa ko para lang maagaw ang atensyon niya. Para mapansin din niya ko.
Alam ko lahat ng kabaliwan ko kay Israel pero mas pinipili ko pa ring hindi sumuko. Kahit na marriage certificate na lang ang pinanghahawakan ko ngayon.
Gano'n naman talaga, 'di ba? Kaya mong gawin ang lahat para sa taong mahal mo. Kahit pa masaktan ka nang paulit-ulit. Kahit pa binabalewala ka niya.
Pero minsan naiisip ko, paano naman ako? Kaya rin ba niyang gawin ang lahat para sa akin? Sa anong paraan? Gayong hindi naman niya ako tinuring na asawa sa loob ng dalawang taon naming pagsasama.
And the moment he changed when we started to live under the same roof, I feel like I am no longer the Princess Royal of Moon Empire. I'm just a nobody.
A mere nobody that when I turned to dust, he won't mind at all.
I composed myself and sat on my swivel chair only to face the window. I looked up to the clear sky, hoping that my day ends with something good. Because if not, I think I really would go crazy.
Napapagod na kasi akong umiyak. Gusto ko namang tumawa ng totoo. Dahil pakiramdam ko maging iyon ay unti-unti na ring pinagkakait sa akin.
Napapitlag ako nang marinig ang dalawang katok sa pinto. Baka si West na naman 'to at aasarin ako ng todo. O kaya si Eve, para naman makakwentuhan ko siya.
Agad kong pinalis ang luha at nagsabi, "Come in."
Pagbukas ng pinto ay siya ko ring pagharap sa taong iyon. Subalit nasorpresa ako nang masilayan si Israel.
"What... are you doing here?" I asked. Pinilit kong hindi mabasag ang boses ko upang hindi niya mahalata.
Nangunot ang noo niya. "I heard from Verdejo that you're not feeling well. Are you sick?"
Dumagundong ang dibdib ko nang lumapit siya sa akin at dinikit ang likod ng palad sa aking pisngi pababa sa leeg.
"I-I'm okay." I faked a smile.
"Are you sure?" He lowered his face and stared at me directly to my eyes. "Did you cry?"
"O-Of course not." I faked a laugh, again. "What brings you here, baby?"
"Checking on you."
Bumilis ang tibok ng puso ko nang magmula iyon sa kaniya.
Did I hear it right? He's checking on me? Worrying about me?
"And I'm also here to inform you that Daddy Lennox and Tita Ingrid invited us for lunch today," he added.
Masaya na akong nandito siya sa harap ko. Kaso bigla na lang nabahiran ng masamang hangin nang marinig ko ang pangalan ng babaeng 'yon.
"I didn't know you're that close with Ingrid, making you call her tita." Ngumiwi ako. "Bakit hindi na lang auntie? Para mas bold, tutal gano'n din ka-bold ang ugali niya," bulong ko pa.
"Can't you just respect her as a person? Kahit hindi na stepmom o pangalawang asawa ng dad mo."
O, 'di ba. Pinagtatanggol pa. Sana all maraming kakampi kahit bagong salta lang dito sa emperyo.
BINABASA MO ANG
One With You
RomanceWarning: Matured Content "No matter where your love leads, there will I be. Because I am destined to be one with you."