CHAPTER 44
"It's so beautiful..." I mumbled, mesmerized by the beauty of the moon and stars in the dark sky. "...and peaceful."
"Just like being with you." Hinigpitan niya ang yakap sa akin mula sa likuran habang pareho kaming nasa unahan ng yate. "Walang araw na hindi gumanda at sumaya ang araw ko kapag kasama kita. Walang segundo o minuto na hindi ako nakaramdam ng kapanatagan sa puso't isip ko magmula nang nakilala kita."
Napangiti ako at humawak sa kaniyang kamay. "Wala ring araw o gabi na hindi kita inisip magmula nang umalis ako sa buhay mo."
"That's because you hate me." Malalim siyang bumuntong-hininga. "I'm sorry." Dinampian niya ng halik ang sentido ko. "I already talked to your psychologist in Denmark."
Tumango ako. "Anong sabi?"
"Ita-transfer nila ang record mo rito sa Pilipinas para dito mo na lang ituloy ang therapy."
"I don't think I need it anymore."
Kumalas siya at marahan akong hinarap sa kaniya. "Bakit? It's for your own sake."
"I don't feel anything now." Matamis akong ngumiti at yinakap ang mga braso sa kaniyang leeg. "But a deep love for you and Iver."
Nakagat niya ang labi. "I love you too. But, baby..." Hinaplos niya ang likod ko. "You need to finish it. Ilang session na lang naman. Sasamahan kita. Hmm?"
"If you say so." Nilapit ko ang bibig sa kaniyang tainga. "My doctor."
He chuckled. "Thank you, baby."
Saglit akong natahimik nang ilibot ko ang tingin sa sinasakyan naming yacht at kahit ilang beses akong tumitig, namamangha pa rin ako sa ganda niyon.
"When did you buy this?" I asked. "Luxurious."
"Last year. Do you like it?"
I nodded. "But where are we going?"
Nang matapos ang proposal niya sa akin kanina ay nagsalo-salo kaming lahat sa pinahanda niyang pagkain sa mga well-known chef in the world, especially Chef Snow na nililigawan yata ng kapatid ko. Akala ko doon na nagtatapos ang selebrasyon pero nagpaalam silang lahat na uuwi na para raw makapag-celebrate kami ng solo ni Israel. Si Iver naman ay sumama kina Daddy Lennox at Luca para manatili sa palasyo. At ngayon, narito nga kami sa yate at bumabyahe sa dagat.
"Hmm..." Marahan niya akong sinayaw. "You'll see."
"Baka naman mamamasyal lang tayo rito sa dagat magdamag?"
"Ayaw mo ba?"
"Gusto." Napangiti ako. "Basta kasama ka."
Hinawi niya ang buhok ko. "Saan mo gustong ikasal? Ulit?"
"Eight years ago, sa Moon Palace tayo kinasal. Ayaw ko na ro'n." Nakangiti akong nag-isip at nilapit ang mukha sa kaniya. "Anywhere with you."
"Kahit dito?"
"Kung mapapapunta mo sina Empress at mga Emperor dito sa yate, sure." Saka ako tumawa.
"Bukas na lang." Sumulyap siya sa pambisig na relo at ngumuso. "It's getting late. Baka tulog na sila."
"Hindi ka sure."
Iyon pa ba? Alam nila ang mga nangyayari sa buong Empire Union, maliit man o malaking issue. Iisipin mo talagang hindi sila natutulog.
"Unahin na natin ang honeymoon," naglalambing na aniya saka dinampian ng halik ang pisngi at leeg ko. "Hmm?"
I chuckled. "Ayaw ko nga."

BINABASA MO ANG
One With You
RomansaWarning: Matured Content "No matter where your love leads, there will I be. Because I am destined to be one with you."