CHAPTER 30

256 13 5
                                    

CHAPTER 30

"You know what, dad? I got the highest score in Science," nagmamalaking usal ni Iver. "But I'm not the top in our class."

"That's okay. It doesn't matter." Israel smiled. "Ikaw pa rin ang top para sa akin."

Itago ko man ngunit napangiti talaga ako habang pinapanood silang dalawa. Nakaupo sa mahabang sofa si Israel habang nakakandong si Iver sa kaniya at pareho silang nagbabasa ng libro.

He giggled. "Really?"

"Yeah. But now that you're here, bago na ang magiging classmates mo. Is that okay, baby?"

"Saan po ako mag-aaral?"

"Moon University. That's where your mom worked before."

"Tito West said, Moon University belongs to mom."

"That's true, baby."

"Then, mom will be my teacher?"

"No, baby," natatawa kong sabat. "I'm into college. I will enroll you to Moon Academy."

"Are you planning to teach there again?" Israel asked.

Saglit akong natameme, napaisip. "I don't know. I'm not sure."

Gusto ko sana sa Ludwig kaso sa Germany 'yon. Ayaw ko namang mapalayo pa sa anak ko. Siguro magtitiis na lang ulit ako. At aasa na baka sakaling open pa ang offer nila sa mga susunod na taon. Hindi ako pwede ngayon. Gusto kong tutukan ang paglaki ni Iver.

"Nagtuturo rin po si Mommy no'ng nasa Denmark kami," kwento ni Iver dahilan para muling bumaling sa kaniya ang ama. "She's famous there."

Israel nodded. "Because she's great at educating the students. And aside from that, she's pretty."

"Nagagandahan ka po kay Mommy?" nangingiting usal pa ni Iver, tila nanunukso.

Namula ang pisngi ni Israel. Bagay na kinagulat ko.

"Oo naman," aniya saka sumulyap sa akin. "Who wouldn't?"

Umiwas ako ng tingin at tumikhim. "Iver, hindi ka pa ba inaantok? It's past nine already."

"Not yet." Pero humikab siya. "Where's my room, dad?"

Natigilan ako. "Uuwi rin tayo, baby."

"You can sleep over here," alok ni Israel. "Gabi na rin. 'Wag ka nang magmaneho. Delikado."

I rolled my eyes. "We're going home."

"Mom." Iver pouted his lips. "Dito na lang po tayo mag-sleep. Please? Gusto ko pong tumabi kay dad." Saka siya yumakap sa ama.

I was taken a back. Dati hindi siya makatulog kapag hindi ako katabi. Ngayon gusto niya kay Israel?

Hinagod naman ni Israel ang likod ng anak at tumingin sa akin. "Ayos... lang ba?"

"May magagawa pa ba ko?" Napabuntong-hininga ako. "Basta para kay Iver."

"What about you?"

Nangunot ang noo ko. "Don't worry about me. I can manage."

"Tumabi ka na lang din po kaya sa amin ni dad?"

Napaubo ako sa sinabi ng anak ko. "Hindi na, baby. Kayo na lang. Bonding niyo na 'yon."

"Are you sure?" Israel's lips twitched. "Malaki naman ang bed."

"Kung patutulugin mo lang ang anak natin sa dating kama kung saan mo kasiping ang mga babae mo noon--" Natigil ako sa pagsasalita nang mapagtanto ang sinabi. Sa takot na maintindihan ni Iver 'yon ay iniba ko na lang. "I mean, 'wag do'n sa may bakas ng dumi. Nakakadiri."

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon