CHAPTER 18

210 12 9
                                    

CHAPTER 18

Totoo ngang wala siyang naging appointment buong araw at nanatili lamang sa mansion. Ngunit todo bantay naman siya sa amin habang nagkakatuwaan kami ng mga kaibigan ko sa entertainment room.

Hindi rin niya ko pinilit pa muli na paalisin sila pero ganito naman ang naging kapalit. Tuloy ay hindi lubusang makabanat ng salita sina West at Eve. Maliban kay Sean na kanina pa maloko ang ngiti.

"Ang sarap ng carbonara mo," aniya saka humigop ng juice.

Natawa ako sa accent niyang pilipit. "Pwede kang mag-uwi. Ipagbabalot kita."

"Pwede bang iuwi ko rin 'yong nagluto?"

Akma na kong tatawa nang marinig ang pagkasa ng baril. Paglingon ko ay may hawak na panyo si Israel habang nililinis ang paborito niyang pistol. Ang itsura pa niya ay tila walang kamalay-malay pero matalas ang pandinig.

Napabuntong-hininga ako at muling bumaling kay Sean. "Pagpasensyahan mo na ang asawa ko."

"It's fine." He chuckled. "Mukhang may topak."

"Paanong hindi magkaroon ng topak, eh, nandito ka. Alam mo namang ikaw ang una sa listahan ng pinagseselosan niya," biro ni West. "Nasaan na ba 'yong watermelon at strawberry?"

Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Eve na hawak ang tray ng mga prutas. "Ito na," ngiwi niya sabay lapag niyon sa table. "Patay gutom."

"Walang mangga?" nakangusong sabat ko. "Alam ko meron pa sa ref no'n, eh."

"Naubos na raw sabi ni Manang Beth."

"Sino raw ang umubos?"

Imbes na magsalita ay tinuro niya si Israel. Dahilan para nakasimangot akong tumayo at lumapit sa asawa ko.

"Ibili mo ko ng mangga," utos ko. "Samahan mo na rin ng bagoong."

"What?" Kunot-noo siyang tumigil sa ginagawa at tiningnan ako. "Luna, hindi na panahon ng mangga."

"Kung hindi mo inubos 'yong huli kong binili, eh, 'di sana may kakainin ako." Hinampas ko siya. "Bumili ka."

"Magpabili ka kay Henry. Kung may mabibili pa siya." Tumaas pa ang sulok ng kaniyang labi.

"Gusto ko ikaw ang bibili. Kung hindi, hindi ko sila pauuwiin," tukoy ko sa mga kaibigan ko.

Alas sais ng gabi ang napagkasunduan naming tapos ng party. Kung hindi siya papayag, ma-eextend pa ang oras ng kanilang pananatili. Kaya dapat lang niyang panindigan ang pagkakakulong niya sa akin dito sa mansion.

Nahilot niya ang sentido at humawak sa bewang. "Five mangoes will do, right?"

"Two kilos." I raised my eyebrows. "Bilis na."

Sinamaan niya muna ko ng tingin bago lumabas. Nakangiti naman akong bumalik sa mga kaibigan ko na natatawa.

"Ganyan ka pala magpa-cute sa asawa mo?" hirit pa ni West. "Para kang bata."

"Ikaw nga mahilig sa bata," pambabara ni Eve. "Patol ka pa kay Lyric."

"Oy, ilang taon lang naman ang difference ng age namin!"

Natawa naman ako at kumuha ng strawberry. Pero agad ko ring binalik nang hindi ko magustuhan ang amoy niyon. Bakit parang nag-iba ang amoy no'n? Dati naman mabango na maaari pang gawing perfume.

Sa muli kong pag-angat ng tingin ay nasalubong ko ang mga mata ni Sean na mariing nakatitig sa akin. Malayo sa kapilyuhan niya kanina dahil seryoso na ang mukha niya ngayon.

"Bakit?" bulong ko. "Is there something on my face?"

"Strawberry is one of your favorite fruits, Luna."

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon