CHAPTER 2

351 23 10
                                    

CHAPTER 2

"Sigurado ka ba sa gagawin mo, Princess Luna?" alalang sambit ni West sa kabilang linya.

"Ilang beses mo dapat tanungin 'yan? Kasi kung uulitin mo lang, I can't guarantee your life in my hands," malamig kong saad sabay suksok ng baril sa dibdib ko.

Rinig ko ang paglunok niya saka marahang natawa. "Hindi ka naman mabiro. Tsk. Ready ka na ba?"

"Kanina pa." Tinaas ko ang tube dress saka nagpatong ng bathrobe upang isipin nilang katatapos ko lang maligo. "How's the perimeter?"

"As usual, maraming tauhan na nakapaligid sa mansion niyo. Pero hindi ko pa nakikita si Henry."

Tumaas ang sulok ng aking labi. "I'll take care of him. Just make sure you'll do exactly what's in the plan. Because if not..."

"Yeah, I know. Mapapatay mo na ko bago pa ang asawa mo." Bumuntong-hininga siya. "Sisimulan ko na."

Hindi na ko sumagot at lumabas na ng silid.

Pagbaba ko ay bumungad sa akin si Henry na nakatayo mismo sa gilid ng hagdanan. Siya ang loyal assistant/butler ni Israel magmula nang mamatay ang dating butler na si Homer. Kahit anong klaseng utos ng amo niya, talagang sinusunod niya.

"Princess Luna." Magalang siyang yumuko. "Saan po kayo pupunta?"

"Lalabas lang ako saglit. May ibibigay sa akin si West," pagsisinungaling ko.

Nag-angat siya ng tingin at pinasadahan ang kabuuan ko. Mabilis din siyang nag-iwas nang akalaing bagong ligo ako dahil sa itsura ko ngayon.

"Hindi po kayong maaaring lumabas."

"This is urgent, Henry." I raised my eyebrow. "Hindi mo naman siguro ako susuwayin?"

"Princess..."

"Between Princess Royal and Archduke, who will you obey this time?" Peke pa akong ngumiti.

Napapikit siya at sumulyap sa pambisig na relo saka nagbigay-daan. "Granted, Princess."

"Kung gusto mong makita ang pinabili kong tampoon kay West, maaari ka namang sumama sa labas."

"Hindi na po," agad niyang tugon saka nagbaba ng tingin. "Hihintayin ko po ang inyong pagbabalik. May pupuntahan pa po kayo ni Archduke Israel."

Tumango ako at naglakad palayo.

Pagbukas ko ng main door ay nakahandusay na ang mga tauhan at palabas na ng gate si West na siyang nagturok ng pampatulog sa kanila. Napangisi ako saka mabilis na sumakay sa kotse.

"Hindi na 'to mauulit," anang West habang nagmamaneho. "Grabe 'yong kaba ko! Umabot yata hanggang sa ibang planeta."

"Thanks. Now you know your responsibilities as my protector." Hinubad ko ang bathrobe saka nagsuklay.

"Lagot talaga ako sa asawa mo kapag nalaman niya 'to."

"Kaya nga matapos mo kong ihatid, dumiretso ka na ro'n sa palasyo para hindi ka mahalata. Ipapabura ko rin ang CCTV footage na nangyari kanina sa mansion."

"Hindi ka ba talaga dadalo? Importante pa naman 'yon para sa daddy mo."

Ngumiwi ako. "Mas importante ang gagawin ko."

"Ano bang gagawin mo ro'n? At kung gusto mong magliwaliw, bakit hindi na lang sa bar na pagmamay-ari ko? Do'n sa Cold Beers."

"You're crossing the line, Verdejo."

Napanguso siya. "I'm sorry, Princess."

Tumingin na lamang ako sa labas upang tanawin ang paligid.

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon