CHAPTER 39

253 10 9
                                        

CHAPTER 39

"How is he?" tulirong sambit ko nang makalabas ang doktor mula sa operating room. "T-Tell me, he's okay."

"It's good that the bullet did not go deep or damage any of his organs. We already removed it and cleaned his wounds." He smiled and tapped my shoulder. "Don't worry, Mrs. Lennert. He's stable now."

Nakangiti akong tumango. "Thank you so much."

"We can't let our hospital director die. He's an amazing person," aniya pa saka umalis na.

Muli akong tumango, sumasang-ayon sa kaniyang sinabi.

Ever since I first saw and met him, he's that amazing guy. Maalaga at mapagmahal sa pamilya. Concern sa malalapit na kaibigan. Mababait sa mga pasyente at katrabaho sa hospital. Strikto nga lang minsan sa mga tauhan niya sa kanilang angkan subalit iyon ang karakter niya bilang leader. Kahit na bugnutin.

Kaya nang bigla siyang magbago, hindi ko agad matanggap. Hindi ko mapaniwalaan. Kasi hindi naman siya gano'n. Hindi naman gano'n ang pagkakakilala ko sa kaniya. Wala 'yon sa bokabularyo niya.

Pero ginawa niya upang protektahan ako at ilayo kay Flint. Bagay na hanggang ngayon, hindi ko lubos maisip kung paano niya nakaya 'yon. Kung paano niyang natiis na tratuhin ako ng hindi maganda. Kung paano niya mag-isang dinala ang mga problema. Kung paanong nakaya niyang makita akong nasasaktan. Gayong gusto pala talaga niya akong makasama.

Do you love me, Israel? Please, answer me.

Siya namang pagbukas ng sliding door at marahang nilabas ang stretcher kung saan nakahiga si Israel habang may oxygen sa bibig niya upang tulungan siyang makahinga. Nanginginig man ang katawan sa matinding pag-aalala ay nagawa ko siyang sabayan hanggang marating ang pribadong silid.

Tumulong din ako sa mga nurse na ilipat siya sa kama at ayusin ang ibang apparatus. Nang umalis na sila at naiwan akong mag-isa ay kumuha ako ng silya upang maupo sa kaniyang tabi. Mataman ko siyang tinitigan saka hinawakan ang kaniyang kamay.

"T-Thank you," I whispered. "Thank you for fighting, for being alive." Maingat kong hinalikan ang ibabaw ng kaniyang palad kasabay nang pagtulo ng isang butil ng luha. "I love you."

Nasa ganoong posisyon ako nang bumukas ang pinto at pumasok ang pareho naming pamilya. Kaya agad kong pinalis ang luha saka sumalubong sa kanila.

"M-Mom," mahinang wika ni Iver, nakasiksik sa akin pero nasa ama ang paningin. "Is dad... okay? Why is he here? Why does he look like that?"

"He needs to stay here for a couple of days. But he's fine." I carressed his back. "Go on, baby. Lapitan mo ang daddy mo."

"N-Natutulog lang po siya, right?"

"Of course." Ngumiti ako. "Gigising din siya mamaya."

Tumango naman siya at kahit mabagal ay nagawa niyang makalapit sa gilid. Pinakatitigan niya ang ama mula mukha pababa sa paa. Saka muling nag-angat ng tingin upang halikan sa pisngi.

Hinintay kong magsalita siya, kausapin ang ama pero nanatili siyang tahimik na nakatitig. Tila ba sa gano'ng paraan niya mapapatunayang natutulog lang si Israel at willing siyang maghintay para makitang gumising ang ama.

Sandali pa ay sumunod nang lumapit ang pamilya namin sa kama at pinalibutan si Israel upang ipagdasal ang mabilis niyang paggaling.

"Princess Luna," bulong ni West nang palihim na pumasok at tumabi sa akin. "He's in morgue right now."

Agad na umusbong ang galit sa aking dibdib. "I want to see him."

"Are you sure? Hindi maganda ang lagay ng itsura niya. Baka mapanaginipan mo."

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon