CHAPTER 15

235 13 6
                                    

CHAPTER 15

West snapped his fingers in front of my face. "Tulala ka na naman. Ayos ka lang ba?"

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung ilang beses na niya nasabi 'yon sa buong araw. Paano namang hindi ako matutulala, eh, ang dami kong iniisip sa trabaho, pagiging prinsesa at misyon ko. At paano ako magiging maayos kung wala pa ring pinagbago sa estado naming mag-asawa.

"I'm fine," tugon ko na hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko nang nabanggit.

"Bakit ganyan kayong mga babae?" Nangunot ang noo niya. "Kapag tinanong kayo kung okay lang kayo, lagi niyong sinasagot na okay lang. Pero ang totoo, hindi naman." Nahilot pa niya ang sentido, tila frustrated. "Bakit hindi na lang kayo magsabi ng totoo? Diretsahan na, gano'n."

"Bakit?" Maloko akong ngumisi. "Ganyan din ba ang sagot sa 'yo ni Lyric?"

Bigla siyang naubo. "'Wag mo ngang ibahin ang usapan."

"Hindi ko iniiba. Nagtatanong ako." I rolled my eyes. "Bakit ganyan din kayong mga lalaki? Kapag nagtatanong kami tungkol sa nangyayari sa inyo, ayaw niyo ring sumagot ng maayos. Nililihis niyo pa ang usapan. Kaya hindi namin maiwasang mag-overthink. Then you will confuse our feelings."

"Wow," palakpak niya, "ang lalim ng hugot mo!"

"Kasi nga hindi biro ang pinagdadaanan niya," bilang sulpot ni Eve saka tumabi sa akin. "Kumusta, mahal na prinsesa?"

I crooked my face. "Mabuti naman nagpakita ka. Akala ko mumultuhin mo na lang kami."

Malakas na natawa si West at tinuro si Eve. "Ghoster ka pala!"

"Coming from you, ha? Matapos mong makipaglandian kay Lyric sa bar, hindi mo na raw siya kinausap."

Ako naman ang tumawa. "Ikaw pala ang verified ghoster dito."

Natahimik naman siya at umiwas ng tingin.

"Anyway, I saw you on the news last week," baling sa akin ni Eve saka napailing. "Pinakita pa talaga nila 'yong part na nawalan ka ng malay."

"Sanay na ko." Uminom ako ng tubig. "Besides, bawat detalye ng buhay ko ay talagang binabalita nila. Wala nang bago ro'n."

"Maayos ka na ba?"

Bago pa ako makasagot ay nagsalita ni West, "She's fine."

Umirap ako. "Shut up, ghoster."

"So, bakit kayo nandito sa cafeteria?" usisa pa ni Eve. "Hindi naman kayo kumakain."

"Ito kasi!" turo sa akin ni West. "Ayaw kumain."

"Bakit naman? Baka bumagsak ang resistensya mo niyan," alalang usal ni Eve. "Sandali, ibibili kita."

"'Wag na," pigil ko. "Hindi ko gusto 'yong pagkain. Parang malansa."

Napabuntong-hininga siya. "Kaya tubig na lang ang lunch mo, gano'n?"

"Okay na 'to." Ngumiti ako. "So, how's your boyfriend?"

"Boyfriend?" takang aniya. "Meron ba ko no'n?"

"Deny ka pa," sabat ni West. "Naglandian din kayo ni Sean sa bar!"

Ngumisi ako at sinundot ang tagiliran ni Eve. "Kayo na?"

"H-Hindi, 'no." Saka siya umiwas ng tingin.

Kukulitin ko pa sana siya nang pare-pareho kaming napatingin sa TV monitor na naka-hang sa gitna ng cafeteria nang magsalita ang reporter.

"Balitanghali: Namataan ng aming team ang grupo ng mga rebelde na naghagis ng flyers sa bawat siyudad ng emperyo. Naglalaman ang flyers ng isang litrato ng babae na hindi naman makilala dahil sa malabo nitong rehistro sa camera. Ayon sa mga residente naming nakausap, binayaran daw ng isang pribadong sindikato ang mga rebelde upang hanapin ang babaeng sumugod sa kuta nila na nabalita ring sumabog noong nakaraang linggo. At ang sino mang makahahanap sa babae ay makatatanggap ng mahigit limang daang libong piso bilang pabuya."

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon