CHAPTER 42

245 17 6
                                    

CHAPTER 42

"See you next meeting," I announced. "For final exams."

Sabay-sabay namang yumuko ang buong klase saka lumabas. Niligpit ko naman ang gamit ko at saktong pagsara ko ng pinto ay tumunog ang cellphone ko.

I automatically smiled when I saw his name and answered it. "Israel, baby."

"I miss you, baby." Batid kong nakanguso siya nang sabihin 'yon. "And I'm sorry, I won't able to fetch you and Iver. I need to gather the doctors for emergency meeting."

Nag-alala naman ako. "Is everything alright?"

"Yeah, don't worry." He heaved a deep sigh. "I'm so sorry, baby. Babawi ako. I love you."

"I love you too." Pinasigla ko ang tinig upang hindi niya isiping nagtatampo ako. Ayos lang naman sa'kin dahil iyon talaga ang nature ng trabaho niya. "I'll see you later at home."

"Wait for me if you can. Hmm?"

"Of course. Ako ang magluluto ng dinner. Sige na, ibaba mo na."

"No, you go first."

"Akala ko ba may meeting ka?"

"I want to hear your voice before I start the meeting."

Nakagat ko ang labi at napatingin sa hawak na bouquet of roses na mismong binigay sa akin ng delivery man kanina habang nagkaklase ako. "Ikaw 'yong nagpadala ng bulaklak?" tanong ko.

"Do you like it?"

"Yeah." I sniffed it. "Smells so good. But why?"

"Appreciation for being my lovely wife and mother of our child. I love you."

Napangiti ako dahilan para lahat ng makasalubong ko ay nangingiti rin, tila ba tinutudyo pa ako. "I love you too." Pumasok ako sa opisina at kinuha ang bag. "I'll hang up. Susunduin ko pa si Iver."

"Take care. I'll see you later. I love you so much." I even heard the sound of kiss.

Napatawa ako at pinatay ang tawag. Dumiretso na ako sa parking lot upang makisakay sa bagong biling Lamborghini ni West na nagulat pa sa presensya ko.

"What are you doing here?" His forehead creased. "Hindi ka ba susunduin ng asawa mo?"

"He still has an appointment." I crossed my legs and examined the insides of vehicle. "Nice car."

"And I can't believe na masasakyan mo agad." Ngumiwi pa siya.

"Alam ko namang nauna mo nang isakay dito si Lyric."

Malakas siyang napaubo. "Saan ba kita ihahatid?"

Ngumisi ako. "Guilty."

"Saan nga?"

"Sa kabilang campus lang, kay Iver."

Hindi naman na siya kumibo pa at nagmaneho paalis. Malayo pa lang ay nakita ko na agad ang anak kong naghihintay sa harap ng building niya habang katabi ang mag-jowa na matagal ding hindi nagparamdam.

"Mom." Sinalubong ako ng yakap ni Iver. "Look," binigay niya ang test paper na perfect ang result.

"You're so smart, baby." I kissed his forehead. "What do you want as my prize for you?"

Sinulyapan niya sina Sean at Eve na halos hindi mapaghiwalay sa sobrang dikit. Saka niya binalik sa akin ang tingin at ngumiti. "Pwede po ba kong sumama sa kanila?"

"Where?" I faced the two. "If it's your honeymoon, no."

"Hindi." Kumamot sa ulo si Eve. "May business meeting kasi si Sean sa Royal Empire ng dalawang araw."

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon