CHAPTER 40
Saglit akong umuwi upang kuhanin ang lesson plan ko para sa afternoon class. Hindi ko namalayan na hindi ko pala naisilid 'yon sa bag kong inuwi kagabi kamamadali para lang matupad ang pangako ko kay Iver na samahan siyang pumunta sa bookstore.
Pagbaba ko ay nadatnan ko si Henry na nakasandal sa pader. Sumilip ako upang magulat lamang nang masaksihan ko ang matamis niyang ngiti habang titig na titig sa picture ni Chasty. Pinigil kong tumawa at tumayo sa kaniyang likuran.
"I thought you can't smile," bulong ko, nanunudyo. "Si Chasty lang pala ang makakapagpangiti sa 'yo."
Gano'n kabilis niyang tinago ang cellphone at matikas na tumindig nang hindi sinasalubong ang aking tingin. "A-Ano pong maipaglilingkod ko, mahal na prinsesa?"
"Look, nauutal ka pa," tawa ko. "Ganyan mo talaga kamahal si Chasty."
Napalunok siya at mas yumuko. "Ihahatid ko na po ba kayo pabalik?"
"I can manage. Your boss must be waiting for you." Ngumiwi ako. "Bakit nga pala hindi ka nakabuntot sa zombie na 'yon ngayon?"
"Wala po akong ideya kung nasaan siya ngayon, Princess Luna."
"Himala 'yan, ah?"
"Wala po talaga akong alam sa kaniyang lokasyon dahil nakapatay po ang cellphone niya which is unusual."
Nangunot ang noo ko at hinugot ang phone sa bulsa. I dialed his number and Henry's telling the truth. It's turned off. Ano na namang ganap ng zombie-ng 'yon?
Sa huli ay pinagkibit-balikat ko na lamang at umalis na. Nagdesisyon akong tumungo sa sementeryo upang dalawin si Laureen. Ngunit ilang metro na lang ay napahinto ako nang masilayan doon si Chasty.
Nakaupo siya sa harap ng puntod ni Laureen. At may basket of flowers sa tabi niyon na nasisiguro kong mula sa kaniya. Gusto kong lumapit at kausapin siya subalit may kung anong pumipigil sa akin.
"Hi, Laureen. It's me. Tita Chasty. Again," mahinang sambit niya. "Alam mo naman siguro kung bakit ako nandito ulit, 'di ba?" Napayuko siya. "G-Gusto ko lang humingi ulit ng tawad. K-Kasi kung hindi dahil sa akin, hindi maaaksidente ang mommy mo. K-Kung hindi dahil sa akin, wala ka r'yan. K-Kasama mo ang buong pamilya mo ngayon. P-Patawad, Laureen." Tuluyan nang nabasag ang tinig niya kasabay nang paghikbi. "P-Pero huwag kang malungkot, malay mo..." Napahagulgol siya. "M-Malay mo, sa susunod nating pagkikita, kasama mo na talaga ako. Para naman makabawi ako sa 'yo."
Ayun ang paglaganap ng matinding pagtataka sa aking sistema. Anong sinasabi niya?
"She visits your daugther everyday," biglang sumulpot si Eve sa tabi ko. "Araw-araw ding humihingi ng tawad kay Laureen."
Tila hinaplos ang puso ko. "Nagkausap na kami tungkol d'yan. At magkaibigan na kami."
"Hindi pa rin siya panatag." Bumuntong-hininga siya. "Nabanggit niya sa akin na hindi matatakpan ng pagkakaibigan niyo ang nagawa niyang mali. At kahit sabihin mong hindi siya ang nakabangga sa 'yo, isa pa rin siya sa dahilan kung bakit humantong ka sa gano'ng sitwasyon. Iyon ang bagay na hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya. Hindi na maaalis 'yon sa kaniya."
"Pero..." Hindi ko matuloy ang salita dahil kahit ano sigurong pilit kong pagpapa-intindi sa kaniya, sarili pa rin niya ang sisisihin. Maaari ko na lamang sigurong hintayin lumipas ang panahon upang mawala rin 'yon sa isip niya. Bumaling ako kay Eve at muling umusal, "Narinig mo ba 'yong huling sinabi niya?"
"Oo." Nangunot ang noo niya. "Pero hindi ko rin naintindihan."
"Wala ba siyang trabaho? Ang dami niyang time para pumunta rito."
BINABASA MO ANG
One With You
عاطفيةWarning: Matured Content "No matter where your love leads, there will I be. Because I am destined to be one with you."