CHAPTER 31

239 16 6
                                    

CHAPTER 31

"Mom?" Nagmulat ako nang marinig ang tinig ni Iver. "Are you okay?"

Marahan akong bumangon. "I'm fine, baby." Tipid akong ngumiti. "Did you eat?"

"Lola Ingrid and I already ate. What about you?"

"Wala akong gana, baby. Mamaya na lang siguro."

Sumampa siya sa kama ko. "Mom?"

Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. "Yes, baby?"

"Are you still mad at dad?"

Natigilan ako at hindi agad nakasagot.

Dalawang araw na ang lumipas magmula nang mangyari ang eksena namin sa mall. Dalawang araw na ring pabalik-balik si Israel dito sa palasyo upang bisitahin ang anak ko at magmakaawa sa akin na huwag ituloy ang plano kong full custody sa aming anak. At dalawang araw na rin akong hindi lumalabas, lugmok sa matinding pag-iisip ukol sa estado ng aming buhay.

"I'm sorry po." Niyakap niya ang braso sa leeg ko. "You're fighting because of me."

"No, baby. It's not your fault." Hinalikan ko siya sa noo. "It's between me and your father only."

"Hindi na po ba kayo magkakaayos pa?"

Sa ikalawang pagkakataon, hindi ako nakasagot. Paano ko ba sasagutin 'yon? Eh, wala na kong maramdaman kundi takot. Takot na masaktan na naman ako. Na baka masaktan din ang anak ko.

Biglang may kumatok sa pinto. "Luna, anak?"

"It's Lolo Lennox," ngiti ni Iver. "Go on, mom. Maybe he wants to talk to you. I'll stay here po."

"Okay." Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. "If you get bored, go back to your room and play with your toys. Or you can play with the Crown Prince."

Tumango naman siya kaya iniwan ko na siya roon at lumabas na.

"Dad," sabi ko sabay halik sa pisngi niya. "Bakit?"

Maliit siyang ngumiti at giniya ako patungo sa veranda. "Pinapahirapan mo ba ang sarili mo?"

Nangunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Dalawang araw ka nang walang maayos na kain at tulog. Ni hindi ka lumalabas." Bumuntong-hininga siya. "Anong balak mo? Ikukulong mo na lang din dito ang anak mo? At itutuloy mo ba talaga ang full custody?"

Nahilot ko ang sentido. "Dad, isa-isa lang. Mahina ang kalaban."

"Kailan ka pa gagawa ng desisyon, Luna? Kapag nasasaktan na si Iver sa nangyayari sa inyo ni Israel?"

Natauhan ako sa sinabi niya subalit nanatili pa rin ang pangamba sa aking dibdib. "Masisisi mo ba ko, dad? Gusto ko lang protektahan ang anak ko."

"Nagkamali si Israel pero hindi niya hahayaang masaktan o saktan ang sariling anak. Believe me."

"Wala na kong tiwala sa kaniya, dad. I'm sorry."

"Then what about Iver? I thought priority mo ang happiness niya?"

"Priority ko rin po ang kaligtasan niya."

"Matitiis mo ba talaga ang anak mo? Makikipagmatigasan ka pa rin? Alam mong gustong-gusto niyang makasama ang tunay niyang ama. Luna, please. Isantabi mo muna ang personal issue mo kay Israel. Mag-focus ka kay Iver. Lalo na't masyado siyang matalino. Madali niyang maintindihan ang mga bagay-bagay."

Naiwan akong tulala matapos niyang sabihin 'yon at tahimik na umalis. Talaga nga yatang gusto niyang bumuo na ako ng desisyon ngayong oras din mismo.

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon