CHAPTER 10

284 10 17
                                        

CHAPTER 10

"Why didn't you tell me?" he whispered as if he's suffering from knowing it today.

"May magbabago ba kapag sinabi ko dati? Tingin mo tatagal ang pagkakaibigan natin kung inamin ko agad ang nararamdaman ko para sa 'yo? Kilala kita, Israel. You tend to stay away from someone that you couldn't love romantically even if you're friends. Because you value the friendship and bond more than that. I didn't tell you in fear that it will totally ruin our relationship."

Pinalis ko ang luha habang nakatingin pa rin sa kaniya.

"May magbabago rin ba ngayong nasabi ko na? Will you go back to the old Israel that I knew? H-Hindi, 'di ba?" Napunta ang tingin niya sa kamay kong kanina pa nanginginig kaya mabilis ko iyong tinago sa likod. "Dahil 'yong problema nga natin ngayon, hindi maayos. Iyon pa kayang nakaraan na?"

"Was Oval aware of your reason of cancelling the marriage?"

"I told him my feelings for you. Why?" Kumibot ang aking labi. "Do you feel guilty? Because he's your friend?"

"You, Oval and I are friends."

"That you destroyed," I continued his statement, making him feel more guilty.

Napayuko siya, binasa ang labi at malamlam ang mga matang muling tumitig sa akin. "What... kind of punishment did they give you?"

"What's the use of telling you? Para kaawaan ako?"

"Luna, please." Napasabunot na siya sa buhok. "Tell me."

"Kung magiging daan 'yon para magbago ka then I'll tell you."

Please, Israel. Just say yes and I'll be happy.

Umiling siya. "Sabihin mo sa akin, Luna."

Nanikip muli ang aking dibdib. Wala na ba talaga? Wala na nga bang pag-asa na magbago siya?

"What will you do if you knew? Gagantihan mo si Daddy Lennox? O lalabag ka rin sa batas?"

His jaw hardly clenched. "Just tell me, Luna."

Tila ba mas mahihirapan siya kapag hindi ko sinabi. Bagay na hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang reaksyon niya.

"Dalawampung latigo sa loob ng dalawang araw," pag-amin ko.

Dalawampung latigo ang natanggap kong kaparusahan nang tanggihan ko ang arranged marriage kay Oval. Walang nagawa si Daddy Lennox kahit siya pa ang hari ng panahong 'yon dahil kailangang sundin ang batas. Pilit nilang inalam ang dahilan ng pagtanggi ko sa kasal upang bumaba ang lebel ng parusa ko ngunit tanging si Oval lamang ang pinagsabihan ko. Sinubukan pa niya akong itakas pero nahuli rin siya at naparusahan. Bagay na hanggang ngayon ay mabigat pa rin sa loob ko.

Natigilan siya, nangunot ang noo hanggang mapapikit. "Dalawampung latigo..."

Iyon na ang huli kong narinig bago ko siya layasan at umakyat na sa kwarto upang magkulong. Hindi na ko kakain. Nawalan ako ng gana.

Dahil sa sobrang pag-iyak at pagod ay mabilis akong nakatulog. Sa panaginip ko pa ay naramdaman kong lumubog ang parte ng kama sa tabi ko. Amoy pa lang ay alam ko na kung sino 'yon.

"Israel?"

Hinaplos niya ang pisngi ko hanggang mapunta ang kamay niya sa blouse ko at tinaas 'yon. Hirap man idilat ang mata ay sinikap kong masundan ang ginagawa niya. At natagpuan kong hinahaplos niya ang mga peklat ko sa likod na dulot ng natanggap kong kaparusahan noon.

"I'm sorry, Luna..." malambing niyang bulong saka isa-isang dinampian ng halik ang peklat ko. "I'm sorry, baby."

Ngumiti ako. "It's okay, baby."

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon