CHAPTER 27

263 20 18
                                    

CHAPTER 27

"What is his name again?" Israel quickly uttered when I got inside his room.

Hinintay ko munang makatulog si Iver at makarating si West upang may magbantay sa anak ko bago ako pumunta rito gaya nang pag-oo ko sa text niya.

"Iver Lyonn Heinrich." Nangunot ang noo ko. "May problema ka ba sa pangalan ng anak ko?" Talagang diniin ko ang huling salita.

"Heinrich..." Pain flared up in his eyes. "You have a son with Sean?"

"Oo."

"No. He's my son," he said firmly and surely. "Iver is my son."

Mapakla akong natawa. "Wala kang anak sa'kin. Hindi tayo nagkaanak."

"I won't buy that lie, Luna. Iver is already five years old now." He walked towards me. "And exactly five years ago, you carried a child in your womb." He leaned his face on me. "Our child."

Bumalik ang alalang 'yon dahilan para kumirot ang dibdib ko. "Don't you remember? Ikaw na rin ang nagsabi. Sean and I had a baby five years ago. And that's Iver Lyonn Heinrich." Nilabanan ko ang tingin niya. "Wala tayong naging anak, Israel."

"He's not a Heinrich. He's a Lennert," mariing aniya, pinagpipilitan. "Anak ko siya."

"Anong karapatan mong angkinin ang anak ko? Wait, may karapatan ka nga bang maging tatay in the first place?"

Lalong lumamlam ang mga mata niyang puno ng pighati at lungkot. "Just tell me the truth, Luna."

"I already told you! Wala tayong anak!" Hindi ko na napigilang sumigaw. Gaya ng luha kong hindi ko na rin napahinto sa pagbagsak. "Ano bang hindi mo maintindihan do'n, ha?! Hindi mo anak si Iver! Anak ko siya!"

"We have the same features. Like we're looking at each other's face in the mirror. Kaya huwag mong sasabihing hindi ko siya anak. Dahil mukha pa lang, patunay na anak ko talaga siya." Lumapit siya at sinapo ang magkabila kong pisngi. "Iver is my son. Right?"

Winaksi ko ang kamay niya at umatras. "Hindi mo siya anak. Wala tayong naging anak." Walang emosyon ko siyang tinitigan. "You killed our child, just like you killed me five years ago."

"Luna..." nahihirapan na aniya saka napasabunot sa buhok. "Tell me the truth. Please."

"Nasabi ko na sa 'yo. Hindi ko na kailangan pang ulitin." Tumalikod ako. "Dito na nagtatapos ang usapan natin. At isa lang ang request ko, huwag na huwag mong lalapitan ang anak ko."

Mula sa repleksyon ay nakita kong napayuko siya habang nakakuyom ang kamao. At nang hindi siya tumugon ay lumabas na ako. Saktong pagtapat ko sa pinto ng kwarto ko ay doon na nanghina ang tuhod ko.

I knew from the start that this might happen and I was right. But I didn't expect that Israel would realize this fast. He noticed Iver just by one meeting.

Lahat ng binuo kong plano noon, bigla na lang nasira dahil sa pangyayari ito. Paano ko mas higit na mapoprotektahan si Iver ngayon? Hindi naman pwedeng lagi na lang kami ang iiwas.

"Oh." Gulat si West nang pagbukas ng pinto ay nakita niya ko. "Anong ginagawa mo r'yan? Bakit nakatambay ka pa?"

"Wala." Pasimple kong pinalis ang luha at pumasok sa loob. "Si Iver?"

"Tulog na tulog," habol niya. "Napagod kalalaro niyo kanina."

Marahan akong tumabi sa anak ko at hinawi ang ilang hibla ng buhok niyang humaharang sa kilay. Saka ko siya masuyong tinitigan.

I'm sorry, baby. I have to hid you from your father. That way, I can protect you.

Rinig ko ang malalim na buntong-hininga ni West. "Nalaman na niya?"

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon