CHAPTER 4

289 19 32
                                    

CHAPTER 4

"Invictus." King Luca handed me a picture. "The infamous and notorious syndicate who secretly perform smuggling here in Moon Empire."

Pinagmasdan ko 'yon at napagtantong hindi lang sila basta-basta sindikato. Tila isa pang malaking kulto base na rin sa suot nilang mga hood dito. Lahat sila ay nakaharap sa kanilang pinuno na maski ang anino ay wala sa litrato.

"Matagal ko nang gustong malaman ang tungkol sa impormasyong 'to. Bakit ngayon mo lang sinabi?" kunot-noong usisa ko sabay tago ng litrato sa bulsa ng coat ko.

"Dahil ngayon lang ako nakakuha ng konkretong ebidensya sa kanilang grupo. Masyado silang mailap. Nahirapan din ang asawa ko." Sumandal siya sa kaniyang trono at matamang tumitig sa akin. "Are you sure you're not going to tell this to your husband?"

Hiniling ko sa kaniya na magtrabaho ako bilang spy. Dahil kung hindi, masisiraan na ko ng ulo kapag nanatili pa ko sa pamamahay na 'yon. Sapat na siguro ang mahigit isang taong pagkukulong ko. Gusto ko naman ng bagong pagkakaabalahan bukod sa pagtuturo.

"Bakit pa?" Mahina akong natawa. "Hindi naman niya ako papayagan."

"He knew your duties and responsibilities here in the palace. I'm sure he will understand."

"He won't. Trust me." Bumuntong-hininga ako. "Do'n nga lang sa offer ng Germany, tumanggi siya. Dito pa kaya sa misyon ko?"

"What happened to him?" Nangunot ang noo niya, nagtataka. "Hindi naman siya gano'n dati. Is he that possessive kind of husband?"

Umiwas ako ng tingin. "I don't know."

Dahil sa loob ng mahigit isang taon naming pagsasama, parati kong tinatanong kung anong problema pero hindi siya nagsasalita.

"So, it's true."

Naguguluhan akong nagbalik ng tingin sa kaniya. "Which?"

"You're using a different room. At nagdadala siya ng ibang babae sa mansion niyo."

Mapait akong ngumiti. "I'm used to it. Don't worry."

"Ate Luna." Hindi niya nagustuhan ang sagot ko dahilan para samaan niya ako ng tingin. "Before I step up in this throne, I'm your brother. And I can't stand seeing you like this. It made me regret for approving your marriage to him."

"It's my responsibility as Princess Royal, King Luca." Pinatatag ko ang loob upang mabawasan ang kaniyang pag-aalala. "Responsibilidad kong sumunod sa batas."

The reigning king married the first and only Moonstone under the faction of Valkyrie. They brought so much power, authority and protection in this empire. But that was not enough. I still need to marry someone under their faction, guided by the law.

The Royal Law states that the Princess Royal should marry a member of Valkyrie to secure the power of monarchy and protection against the enemies.

And when they told me that Israel will be my husband, I was so happy. To the point na ako mismo ang halos nag-asikaso ng engagement party at wedding. I may sound desperate, but that's how my feelings work for him.

Nakakalungkot lang na hindi siya ganoon sa akin.

"Kahit pinsan pa siya ng asawa ko, hindi ko palalagpasin ang ginagawa niya sa 'yo."

Napangiti ako. Mas matanda ako sa kaniya pero mas protective siya.

"Your Majesty, marami ka pang dapat asikasuhin dito sa palasyo. Don't bother to check on us. Kaya na namin 'to."

"Kaya mo?" Tumaas ang kilay niya. "Are you sure?"

Marahil kanina pa niya nahahalata ang namumuong luha sa aking mata.

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon