CHAPTER 43
"How are you?" Binaba ko ang bouquet of white tulips sa tabi niya at nag-indian seat. "Masaya... ka ba?"
Umihip ang malakas na hangin, tila sa gano'ng paraan niya sinasagot ang tanong ko.
"Masaya ako dahil masaya ka." Ngumiti ako. "Pero mas masaya kung nandito ka." Hinaplos ko ang lapida niya. "Chasty..."
Ilang linggo na ang nakalipas magmula nang magulat ang buong emperyo sa biglaan niyang pagkamatay. Akala ko sa akin niya lang nilihim, pati pala sa pamilya at kamag-anak niya. Tanging sina Israel at Henry lang ang nakakaalam, base sa kaniyang hiling. Dahil ayaw na niyang pag-alalahanin pa ang mga tao sa paligid niya.
"Now I understand what you said before," patuloy ko. "Na makakasama mo ang anak ko at makakabawi ka sa kaniya."
Itinabi namin ang puntod niya kay Laureen Iya dahil isa 'yon sa kaniyang mga hiling na nakalagay sa huli niyang sulat. Sa ganoong paraan daw niya tuluyang matatanggap ang pagkakaibigan na niregalo ko sa kaniya noon nang walang alinlangan at bahid ng pagsisisi.
"Hindi man lang natuloy ang bonding natin bilang bagong magkaibigan." Napanguso ako. "Ang daya mo." Muli na namang umihip ang malakas na hangin dahilan para mapangiti ako. "Alagaan mo si Laureen d'yan, ha? Thank you, Chasty. We'll never forget you."
Sandali akong umusal ng panalangin saka tumayo na upang kumaway sa kanilang dalawa bilang pamamaalam at nangakong bibista muli. Sumakay na ako sa kotse at nagmaneho pabalik ng university.
Papasok pa lang ako nang may humablot ng leather bag ko at humalik sa aking pisngi. "Where have you been? Kanina pa kita hinahanap."
Napangiti ako nang masilayan si Israel. "Binisita ko lang sila."
Tumango naman siya, nakuha agad ang ibig kong sabihin saka niya hinapit ang bewang ko palapit sa kaniya. "May klase ka pa, right?"
"Yeah. Why?" Pinaningkitan ko siya ng mata. "Don't tell me, magsi-sit in ka na naman sa klase ko?"
"Ayaw mo?" Ngumuso siya na parang bata. "Wala na kong gagawin, eh. I badly want to be with you, baby."
Palihim akong napangiti. "Fine. Just behave."
He kissed my temple. "I love you."
"Hurry." I glanced at my wrist watch. "Ayaw kong mahuli."
"Luna."
"Oh?"
"You don't say I love you back."
Nakagat ko ang labi. "Tara na."
"Hindi mo talaga ko sasagutin?"
"Oh gosh, Israel. That's not even a question." Inirapan ko siya, inaasar ng todo.
"I know that's not a question. But it's a statement that requires an answer."
Huminto ako at nilingon siya. "Do I need to?"
"Luna." Nanlulumo ang itsura niya. "Just say it."
Nginitian ko lang siya at nagmamadaling umakyat. Mabibigat naman ang yabag niyang tumakbo upang habulin ako. Ngunit kahit anong pag-iwas ko ay nahuli pa rin niya ang bewang ko at sinandal ako sa pader.
"Say it." Kinulong niya ako sa kaniyang bisig. "Baby, please. Hindi na ko mapakali."
Malakas akong natawa. "No."
"Hahalikan kita dito," linga niya sa paligid na puno ng estudyanteng nakamasid sa amin, pawang kinikilig, "o sasagutin mo 'yon?"
Saglit akong pumikit saka ngumuso. "Halikan mo."
BINABASA MO ANG
One With You
RomanceWarning: Matured Content "No matter where your love leads, there will I be. Because I am destined to be one with you."
