CHAPTER 11
A playful smirk formed on Hank's lips. "Good evening, beautiful lady."
Gusto ko mang umatras dahil sa mamamatay-tao niyang pagmumukha pero hindi ko rin magawa. Kailangan kong panindigan ang aking plano ngayong gabi. Hindi rin ako maaaring pumalpak. Lalo na't palala nang palala ang smuggling sa Moon Empire dahil sa kanilang sindikato.
"Alam mo ba kung anong pinapasok mo?" dagdag pa niya. Hindi rin nakaligtas sa akin ang marahan niyang paghugot ng baril sa likod ng pantalon.
Ngumiti ako sa likod ng mask. "Hindi mo ba ko natatandaan?"
Sandaling nangunot ang noo niya hanggang muling mapangisi. "Ikaw 'yong babaeng nilapitan ko noon sa bar. Paano nga ba kita malilimutan? Napakaganda ng iyong katawan." Saka niya binasa ang labi.
"Pinagtanong ko pa ang bahay mo para lang mabisita kita ngayon. Ang yaman mo pala."
Natawa siya. "You want to be my girl?"
Muntik na kong masuka sa sinabi niya. Mabuti na lang napigilan ko.
"I want to be your..." nilapit ko ang mukha sa kaniya, "misery." Saka mabilis kong tinutok ang dulo ng baril sa kaniyang sentido.
Malakas siyang natawa at halata roon ang kaba pero hindi siya nagpatinag. Mariin niyang hinawakan ang kamay ko upang idiin pa lalo ang baril sa kaniya.
"Iputok mo," bulong niya. "My men will hunt you down as well as your clan."
Ako naman ang natawa. "Make sure that you'll know my identity first."
Ngunit kahit ano pang gawin niyang pagtitig sa akin ay mababakas na hindi niya talaga ako makilala. Pagkakataon na kinuha ko upang tuhuran ang pagitan ng hita niya dahilan para mapahiyaw siya sa sakit hanggang humandusay sa sahig. Sa sobrang lakas ng boses niya ay lumabas tuloy ang iba pa niyang tauhan.
Wala akong choice kundi lumaban.
Siniko ang isa na agad namang bumagsak saka ako malisking umikot at patamaan ng bala ang dalawa sa gilid. Yumuko ako upang iwasan ang magkakasunod na suntok at sinipa ang tuhod ng tatlo dahilan para muling umalingawngaw ang daing nila.
Dumampot ako ng vase at hinagis 'yon sa dalawa saka ako dagling tumakbo paakyat ng hagdan habang bumabaril. Ngunit bago ko mabuksan ang pinto ng silid ay nasundan na ko ni Hank at hinatak ang buhok ko. Dinakma ko ang damit niya at malakas siyang binigwasan sa mukha.
Napaatras siya subalit muli ko siyang ginawaran ng suntok at sipa hanggang bumunot din siya ng baril at magtutukan kaming dalawa.
"Who the fuck are you?" gigil na aniya, halatang gusto na kong patayin. "Anong pakay mo?"
"I need to meet your boss. Where is he?"
"Sa tingin mo, gano'n mo kadaling makikita siya?" Sarkastiko siyang natawa. "Isang beses pa lang namin siyang nakikita."
"At yumuko na agad kayo sa kaniya para sumapi sa binuo niyang sindikato? Lalo ka na." Ngumiwi ako. "Ang cheap mo pala."
Lalo siyang nanggigil. "Kung mayaman ang emperyong ito, mayaman din siya. At sigurado akong pinadala ka ng hari ng emperyo para sumugod dito. Pumayag ka pang mag-isa lang? Nababaliw ka na."
Doon ko pa lang naramdaman ang presensya ng mga tauhan niyang papalibot na sa akin. Kinabahan ako subalit pinatatag ko ang sarili at pasimpleng umatras.
Siguro nga nababaliw na ko at hindi ko akalaing mako-corner nila ko ngayon. Pero iba pa rin kapag may back up plan.
"Wala ka nang pupuntahan, binibini," malokong aniya saka unti-unting lumapit sa akin. "At sisiguruhin kong hindi ka na mabubuhay matapos ang gabing ito."

BINABASA MO ANG
One With You
RomansaWarning: Matured Content "No matter where your love leads, there will I be. Because I am destined to be one with you."