CHAPTER 28
"I-I'm sorry." Namuo ang luha sa kaniyang mga mata at nagsusumamong tumitig sa akin. "I was a jerk. I'm really sorry."
"Sorry? You think that's enough?" Naikuyom ko ang kamao habang pinipigilan ang matinding emosyon. "I let you in, Israel. I fucking let you in my life. But you completely destroyed me! Even our child!"
I went so far that I forgot myself. I didn't value my time, threw my self-respect, lost my dear ones fighting for him. I lost my career, helping him build his. I forgot I was also ruined.
"P-Please, Luna. Let me be his father."
Umiling ako. "Hindi mo alam kung gaano ang hirap naming dalawa ng anak mo. Ngayon ka pa hihiling ng ganyan? No. You won't win this time."
"G-Gusto ko siyang makasama, Luna. P-Please." Humahagulgol siyang lumuhod sa harapan ko. "Gusto ko siyang mayakap ulit."
"Kahit ano pang gawin mo, hindi ko hahayaang makalapit pa sa 'yo ang anak ko. Tandaan mo 'yan."
Tumalikod ako upang umalis ngunit yumakap siya sa mga binti ko.
"I-I'm really sorry. P-Please, Luna. Gusto ko siyang makasama. Gusto kong makasama ang anak natin."
"Anak ko lang. Hindi ba't tinanggi mo siya noon pa man?" Tumindi ang kirot sa aking dibdib nang magbalik ang alaalang 'yon. "Dahil para sa 'yo, naging bunga 'yon ng kalandian namin ni Sean."
"N-Nasabi ko lang 'yon dahil pinangunahan ako ng selos. Nabulag ako. Nagpadala ako sa litrato." Napayuko siya. "I-I'm sorry. P-Patawarin mo ko."
"Iyon lang ang dahilan mo? Dahil sa selos?" Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kaniya. "Ano naman ang excuse mo do'n sa pinapili mo ko? I'll stay as your wife but I have to get rid of the baby or keep the baby and leave our mansion? Trip mo lang?"
"Pinapili kita para maprotektahan ko kayo." Lumuluha siyang tumingala. "Umasa akong mas pipiliin mong buhayin ang baby because that how good you are as a mother. But you still chose to stay as my wife."
"Kaya ang sunod mong ginawa, nag-check in sa hotel kasama si Chasty? Gano'n mo na ba kagustong umalis ako sa buhay mo? Well, you did great. Umalis talaga ako. Siguro naman masaya ka na nangyari 'yon."
"A-Ayos lang sa'kin. Basta hindi ka napahamak."
"Sa'yo nga ako napahamak. Nababaliw ka na ba?" Marahas kong tinanggal ang kapit niya sa binti ko dahilan para mapaupo siya sa sahig. "Tabi."
"L-Luna, please," habol niya. "Gusto kong makasama si Iver. P-Parang awa mo na."
"Huwag mong tangkaing lapitan ang anak ko. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."
Nasapo niya ang mukha at muling humagulgol. Pero tumalikod na ulit ako saka padabog na umalis.
Akala niya ba gano'n kadali ang hinihiling niya? Putang ina.
Isang buhay na naman ang mapapahamak kapag hinayaan ko siya. Tama nang ako na lang ang nasira niya noon. Huwag na ang anak ko. Huwag lang si Iver. Magkakamatayan kami.
"Mom!" Patakbong yumakap sa akin si Iver nang magkita kami sa sala. "I was looking for you. Saan ka po nagpunta?"
"Nagpahangin lang ako, baby." Hinagod ko ang likod niya at hinalikan siya sa noo. "How are you? Did you behave?"
"I met your family, mom. Our family. Lolo Lennox and Lola Ingrid are so kind. They played with me," he happily mused. "I also met Crown Prince Leif. Medyo masungit po siya but approachable naman."
Natawa ako. Nagmana 'yon kay Stone.
"Everything's good here, mom," he added. "And I fully understood the heirarchy of Moon Empire. Even the Royal Law. It's super cool!"
BINABASA MO ANG
One With You
RomanceWarning: Matured Content "No matter where your love leads, there will I be. Because I am destined to be one with you."