CHAPTER 9
Would I have been better off if I never knew him?
Iyon ang mga katagang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko.
Mas magiging maganda nga ba ang buhay ko kung hindi ko siya nakilala? Magiging masaya nga kaya ang buhay ko kung hindi ako pumayag sa arranged marriage? Matutupad ko nga ba ang iba ko pang pangarap kung hindi kami kinasal at naging mag-asawa? Nang walang pagsisisi sa huli?
I don't know. And I find myself not wanting to know at all.
Dahil kahit ano pang pagsubok ang dumating, naniniwala akong mapapanatili ko ang sarili sa kaniyang tabi. Kahit na magmukha akong tanga, desperada at ilusyunada.
Ang layo na rin ng narating ko. Mula sa mga interview na todo sabi ako na wala akong interes sa pag-ibig pero ang totoo ay may lihim akong nararamdaman para kay Israel kahit na kaibigan lang ang turing niya sa akin hanggang humantong sa arranged marriage at ganitong set up naming mag-asawa. Kaya bakit ako susuko? Walang dahilan para sumuko.
Wala pa sa ngayon.
Malalim akong bumuntong-hininga saka nagsuot ng necktie. Bahagya akong tumalikod upang tingnan ang pagkaka-braid ng buhok ko at nang makuntento ay lumabas na ko.
Sakto namang bumukas din ang katapat na silid at bumungad si Israel. Nagtama pa ang mga mata namin habang inaayos niya ang Louis Vuitton belt. Ako na rin ang unang nag-iwas saka mabilis na bumaba. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin ngunit hindi ko na pinansin. Lalo pa't naririnig ko ang halinghing ng babae niya na nakalingkis sa kaniya.
Ilang linggo na ang lumipas magmula nang huling pagsasama namin sa kwarto ko. Bumalik ang malamig niyang pakikitungo sa akin. Mabilis din siyang mairita at magalit sa maliliit na bagay. Mas lumala rin ang pambababae niya na halos hindi na kami magkita rito sa mansion. Animo'y roommates lang kami sa isang magarang mansyon.
"Flash Report: Ten rebels were caught in the borders of City of Phy earlier this morning."
Sabay din kaming nahinto sa living room nang marinig ang balita sa TV.
"According to Moon Crime Investigators, four rebels were came from Taiwan and the rest were from China. They formed an alliance to penetrate the city and hostage the citizens to extort large amount of money that will be used in illegal transactions. King Luca and high rank leaders of five factions will have a meeting today at Center Palace to discuss about the matter. As much as possible, they intend not to bring this issue to Royal Council in order to avoid conflicts with other members of Empire Union."
Napangiwi ako. Kahit gaano man nila itago ang issue, malalaman at malalaman pa rin ni Empress 'yon.
At sino bang nag-suggest na itago 'yon? Don't tell me si Ingrid?
"Mga rebelde nga naman, madalas masilaw sa pera," naiiling na komento ni Manang Beth habang nagva-vaccum. Saka siya bumaling sa amin at ngumiti. "Oh, sabay na kayong pumasok."
Nilingon ko si Israel at mabuti na lang wala na 'yong babae dahil baka nasabunutan ko siya at nailublob sa kanal.
"Let's eat breakfast," yaya ko.
Tinapunan lang niya ko ng tingin saka lumakad paalis. Agad namang bumuntot sa kaniya si Henry, bitbit ang dalawang duffel bag.
Nangunot ang noo ko. Ang dami naman niyang dala? Doon ba siya matutulog sa hospital? Ilang araw?
Gusto ko sanang humabol para itanong 'yon pero narinig ko na ang pagharurot ng kotse. Malungkot akong tumungo sa dining area at mag-isang kumain.
"Pasensya na, hija," anang Manang Beth saka hinagod ang likod ko. "Akala ko naayos niyo na ang problema."
BINABASA MO ANG
One With You
RomanceWarning: Matured Content "No matter where your love leads, there will I be. Because I am destined to be one with you."