CHAPTER 23

348 16 0
                                        

CHAPTER 23

Hindi ko alam kung gaano katagal akong umiyak, iniisip ang naging huling pag-uusap namin kanina ni Israel tungkol sa akin at sa baby namin. Naramdaman ko na lamang ang pamamaga ng mga mata ko hanggang umiral ang sakit sa aking tiyan.

"I-I'm sorry, baby. H-Hindi mo dapat nararamdaman ang stress at lungkot ni mommy ngayon. Pero isa lang ang mapapangako ko." Maliit akong ngumiti at hinaplos ang aking tiyan. "Hinding-hindi kita pababayaan. Hinding-hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ka ni mommy."

Kinailangan kong magsinungaling kay Israel upang masaksihan ang kaniyang reaksyon. Subalit kahit sa huling pagkakataon, binigo pa rin niya ko. Sinaktan pa rin niya ako. At mas lalong pinatay niya na ako.

Muli na sana akong dudukmo nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Hinugot ko 'yon sa bulsa at binasa ang mensahe.

From: West Verdejo
Hindi ako naniniwalang ginawa niyo ni Sean 'yon. Pero si Eve...

Gano'n ko kabilis pinalis ang luha saka nagpalit ng damit. At kahit gabing-gabi na ay lumabas pa rin ako nang walang paalam. Mabuti na lang ay wala si Henry, maging ang ibang tauhan.

Kaya naman pagdating ko sa vacation house ni Sean ay agad akong kumatok. Hindi. Nag-trespass ako. Dahil desperada akong malaman ang totoo. Na sana magsabi siyang gawa lamang 'yon ng naninira sa relasyon namin ni Israel. Ngunit hindi ko siya nakita.

Walang Sean akong naabutan. Na maski ang mga tauhan niya ay walang ideya kung saan nagpunta ang kanilang Hari.

I became more frustrated. Lalo na nang marating ko ang park na sinabi ni West kung saan naroon si Eve.

Gano'n na lamang ang pagdoble ng kaba ko nang tuluyan ko siyang masilayan na nakaupo sa swing at tahimik 'yong inuugoy. Nakatingala rin siya sa nagliliwanag na buwan at hindi nakatakas sa pandinig ko ang kaniyang pagsinghot, tanda na umiiyak siya.

"E-Eve..." bulong ko.

Dahilan para mahinto ang kaniyang pag-ugoy. Matagal bago siya tumayo saka hinarap ako nang may namumulang mga mata. Pero sa kabila niyon, mas nangibabaw ang walang emosyon niyang mukha. Hindi na tulad ng masiyahin niyang itsura tuwing kaharap ako noon.

"Anong ginagawa mo rito? Sinong nagsabi sa 'yong nandito ako?" malamig na sambit niya. "Ah, si West?" Mapakla siyang natawa. "May sasabihin ka?"

"E-Eve..." Naging sunod-sunod ang pagtakas ng luha ko. "H-Hindi ko ginawa 'yon. H-Hindi namin ginawa 'yon. Maniwala ka."

"You know that I have a huge respect and trust in you, right?" She closed her fist, trying to surpress her anger. "P-Pero..." Nabasag ang kaniyang tinig. "Pero bakit? Alam mong matagal ko nang gusto si Sean."

"E-Eve, maniwala ka naman." Lumapit ako at humawak sa kaniyang kamay. "H-Hindi ko gagawin 'yon. Alam mong mahal na mahal ko si Israel. Siya lang. H-Hindi ko rin alam kung paano nangyari 'yon."

"Hindi mo talaga malalaman dahil sa sobrang kalasingan mo."

Umiling ako. "Kahit lasing ako, alam ko pa rin ang ginagawa ko at nangyayari sa paligid. Sigurado akong wala akong kasama no'ng natulog ako sa kwartong 'yon."

"Minsan ka nang nag-sleepwalk, Luna." Mapakla siyang ngumiti. "Hindi imposibleng mangyari 'yon."

"Are you trying to say na nagawa ko 'yon during my sleepwalk? Ang halikan si Sean?"

"Hindi ba? Eh, ano 'yong nakita ko sa litrato?"

"E-Eve naman." Nangatal ang pananalita ko sa sobrang luha at panginginig ng kamay. "Set up 'yon. They set me up! M-Maniwala ka sa 'kin."

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon