CHAPTER 19
"Dean Luna!" Napalingon ako nang sabay-sabay iyong bigkasin ng buong klase. "We miss you!"
Napangiti ako at gano'n na lamang ang sorpresa ko nang itaas pa nila ang malaking cardboard kung saan nakaimprenta ang mensaheng na-miss nila ako at kung gaano sila kasaya sa aking pagbabalik. May kasama pang balloons at cake.
This is one of the moments that I always cherish whenever I'm with my students. Nakakatuwa. Nakakataba ng puso. Kahit sino yatang guro ay ganito ang mararamdaman.
"Nag-abala pa kayo," natatawang ani ko. "One week lang naman akong nag-leave."
"Kahit na po." Ngumiti sila. "Maayos ka na po ba? Sabi po ni Doc Israel, may sakit kayo."
One week akong nag-leave sa pagtuturo dahil one week akong hindi pinalabas ni Israel. At ngayon malalaman kong may sakit ang dinahilan niya. Nakakatawa pero sobra na kong napupuno.
"I'm okay now. Don't worry." I smiled, assuring them.
I wish that's true. Because to be honest, I'm never been okay since I got married. I just hid it to purely show my love for him.
"Nag-away po ba kayo ni Doc Israel?"
"Of course not. Bakit naman kami mag-aaway?" pagsisinungaling ko at pilit na ngumiti.
"Pero bakit po si King Sean Heinrich of Denmark ang sumusundo sa inyo?"
Laking pagtataka ko 'yon ngunit nang sundan ko ang kanilang tinitingnan ay nagitla ako nang masilayan si Sean na nakasandal sa railings at nakatitig sa akin, tila hinihintay ako.
Umiwas ako at binalik ang atensyon sa klase. "Be ready for graded recitation tomorrow. Class dismissed."
Nagmamaktol man pero binigay pa rin nila ang cake sa akin habang ginawa na lamang nilang dekorasyon ang mga lobo sa loob ng classroom. Nagpasalamat na lang ako at nagmadaling lumabas.
"What are you doing here?" gigil kong sambit saka pasimpleng luminga sa paligid, natatakot sa posibleng issue na lalabas sa media. "Bakit bigla ka na lang sumusulpot?"
He chuckled. "I'm just here to talk to you about the details of how to run a university. King Luca granted my request to see you."
I opened my phone only to see a message from the King saying that he allowed Sean to meet me.
I heaved a deep sigh. "Nagpaalam ka rin ba sa asawa ko?"
"Do I need to? As far as I know, he doesn't mind at all." He leaned on me. "Wala siyang pake sa 'yo."
"Fuck you." Tinulak ko siya at naglakad palayo.
Nasaktan ako pero totoo naman. Hindi pa ba ko nasanay?
"Did it offend you?" he chased.
"Don't come near me. I might kill you."
He laughed. "Why are you wearing heels?"
"Masama ba? At ano namang pake mo?"
"It's dangerous for you."
Nagtataka man ay hindi ko na inusisa pa.
"So, what were you saying?" pag-iiba ko.
"Discuss to me how to manage a university."
"Marami kang delegates sa Denmark palace para mag-asikaso no'n. Why are you so worked up?"
"Because I personally want to manage my university."
Mapakla akong natawa. "Are you kidding me?"
BINABASA MO ANG
One With You
RomanceWarning: Matured Content "No matter where your love leads, there will I be. Because I am destined to be one with you."