CHAPTER 5
Nagising ako sa mahihinang katok hanggang tuluyang bumukas ang pinto at pumasok si Manang Beth.
"Magandang umaga, Princess Luna," nakangiting bati niya. "Nakahain na ang mga nilutong pagkain ni Doc Israel."
Agad akong napabalikwas ng bangon sa narinig. "Siya po ang nagluto?"
"Maaga siyang gumising para ipagluto ka, hija."
Napangiti ako. "Nand'yan pa po ba siya?"
"Oo naman. Kanina ka pa niya hinihintay."
"Sige po, manang. Mag-aayos lang po ako at bababa na rin."
Tumango siya at lumabas na rin.
Kahit anong pagpipigil ko ay nag-uumapaw ang saya sa puso ko. Hindi naman ito ang unang beses na pinagluto niya ko dahil ginagawa rin niya 'yon dati no'ng magkaibigan pa lang kami. Pero iba pala talaga kapag ginawa niya 'yon ngayong mag-asawa na kami.
Hindi mawala ang ngiti ko mula sa paghihilamos, pagsisipilyo at pagsusuklay.
Ano kayang nakain niya?
Lalo akong kinilig nang maisip na baka naalala niya ang isa sa mga bagay na pinahahalagahan ko magmula nang ikasal kami.
"Good morning," masiglang bati ko nang makita siya sa harap ng kitchen sink. "What are you doing, baby?" lambing ko. "Let's eat."
Palapit na sana ako upang yakapin siya ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang humarap siya at bumungad sa akin si Henry!
"What the heck?" Confusion and disappointment struck me. "Are you pretending to be my husband now? Really? Henry?"
Napalunok siya at dagling yumuko. "I'm sorry, Princess Luna. Napag-utusan lang po akong maghugas ng plato dahil nanakit ang likod ni Manang Beth."
"Where's your boss?" I examined his hair. "Alam kong loyal ka sa kaniya pero pati ba naman ang hairstyle, required kang gayahin ang kaniya?"
Mabilis siyang umiling. "He went to hospital."
Kusang bumagsak ang balikat ko. "Sabi ni Manang Beth, hinihintay daw ako ni Israel." Halos pabulong ko na 'yon nasabi dahil buong akala ko ay talagang sasabayan niya kong kumain.
"Hija?" entrada ni Manang Beth habang nakahawak sa likod. "Naku, pasensya na. Nagpahinga ako saglit. Hindi ko agad nasabi na nauna nang pumasok sa trabaho si Doc Israel. Hindi ka na niya nahintay nang malamang nasa taas ka pa."
Bigla ko tuloy sinisi ang sarili. Sana pala hindi na ako nag-abalang mag-ayos. Sana pala dumiretso na lang ako ng baba at dito na lang ako naghilamos. Para naabutan ko siya at nabati.
Tutal wala naman siyang pake sa akin. Sa bagong gising na mukha ko pa kaya? I'm sure he doesn't mind seeing me in a mess.
Pero huli na dahil umalis na siya. Wala na ring silbi ang paninisi ko sa sarili at pagtatampo sa kaniya.
Ano nga ba naman ako para sa kaniya? Pang-display na asawa.
"Ayos ka lang ba, hija?" alalang usal pa ni Manang Beth.
Tumango ako saka ngumiti. "Magpahinga na po kayo. Kakain na lang po ako mag-isa."
"Henry, samahan mo muna si Princess Luna."
"No need, manang," tanggi ko, naiirita sa presensya ng butler. "I might put his life on the line."
Natatakot namang umiwas ng tingin si Henry. "Tatapusin ko lang po ang paghuhugas at babalik na rin po ako sa post ko."

BINABASA MO ANG
One With You
RomansaWarning: Matured Content "No matter where your love leads, there will I be. Because I am destined to be one with you."