CHAPTER 24
"Community service?" takang ulit ko sa kaniyang sinabi. "Kailangan kong mag-community service habang hinihintay ang desisyon ni King Luca?"
"Hangga't wala pa siyang binababang memorandum, mag-community service ka raw muna at isantabi ang pagiging Princess Royal bilang parusa ng limang taon mong pagkawala sa Moon Empire," tugon ni West sa kabilang linya.
Siya ang tinawagan ni King Luca dahil hindi raw ako ma-contact. Bagay na talagang sinadya ko. Tama nang si Ingrid na lang ang makaalam ng pagbabalik ko rito. Pero alam ko ring ichichika niya 'yon kay Daddy Lennox.
"Saan daw ako magco-community service?" usisa ko pa.
Mas maigi na rin 'tong community service kaysa ikulong nila ako o parusahan ng latigo. Kaya ko namang magtiis. Sanay na ko sa hirap.
"D'yan sa hotel na tinutuluyan mo ngayon."
Ngumiwi ako. "Mas gusto ko pa yata sa kalye."
"Bakit? Kasi kapag d'yan, naaalala mo lang 'yong nakaraan na nakita mo sina Chasty at Israel?" Napabuntong-hininga siya. "Sa kalye rin, pwede mong maalala na naaksidente ka."
"Sige, ipaalala mo pa." Umirap ako. "Anong gagawin ko rito sa hotel?"
"Maglilinis ng kwarto ng guests. At kailangan mo ring sumunod sa mga utos ng manager."
"Sino ba ang manager dito? Kilala mo ba?"
"No idea. Kaya kapag nakilala ka nila, alam mo na ang isasagot, ha?"
"Fine."
"Is that my mom?"
It's my son's voice! Iver!
"Yes, pamangkin."
"Let me talk to her, please?"
Napangiti ako at dahil do'n ay gumanda ang araw ko. "I want to talk to my son."
Hindi na tumugon si West at narinig ko na lamang na inabot niya ang cellphone sa anak ko.
"Mom!" Iver shouted in joy. "I miss you!"
"I miss you too, baby." Sinulyapan ko ang litrato niyang nakalagay sa wallet ko. "How are you? Kumakain ka ba sa tamang oras?"
"I'm alright, mom. Don't worry. Tito West took care of me, excellently. What about you, mom? You told me it's dangerous there."
"Of course, I'm fine. I'll be back soon, okay? Wait for me."
Matagal bago ulit siya nagsalita. "I want your hug, mom."
"Why?" Gumuhit ang pag-aalala ko dahil sa tuwing sinasabi niya 'yon ay hindi maganda ang kaniyang pakiramdam. "What's wrong? May problema ba sa school?"
"I miss your hug. I really miss you, mom." He suddenly sobbed. "C-Can you come home tomorrow?"
Nakagat ko ang labi. "I'm sorry, baby. But I can't."
Pagkabanggit ko niyon ay lalong lumakas ang iyak niya. Maski ang luha ko ay tumuloy na rin sa pagbagsak. Dahil mula pa noon ay hindi na kami mapaghiwalay. Ayaw kong wala siya sa tabi ko. Ayaw kong hindi siya nakikita. At gano'n din siya sa akin.
Kaya kapag minsan kaming nagkalayo ay ganito ang nangyayari. Wala naman akong magawa. Mas priority ko ang kaligtasan niya. At sana balang araw ay maintindihan niya 'yon.
"I'll put him into bed. He's always like this since you left," West said as he took the line again. "Tawagan na lang ulit kita mamaya."
"Thank you." I hanged up and stared back at the my son's photo. "I love you, baby."
BINABASA MO ANG
One With You
RomansaWarning: Matured Content "No matter where your love leads, there will I be. Because I am destined to be one with you."