CHAPTER 37

352 15 14
                                        

CHAPTER 37

Pareho kaming tahimik sa byahe pauwi. Ni hindi rin kami lumingon sa isa't isa. Pero mula sa peripheral vision, mababakas ang matinding lungkot sa kaniyang mga mata. Nanikip ang dibdib ko subalit nanatili akong matatag upang hindi madala sa gano'n.

Ngunit alam ko rin na sinasaktan ko lang ang sarili ko sa ganitong paraan. But I can't help it. I'm too scared to let him know my feelings. Natatakot na akong mahulog ulit sa dating patibong ng pag-ibig.

But his eyes...

Napabuntong-hininga ako at nang marating ang mansion ay sabay kaming bumaba. Siya na rin ang kumarga kay Iver saka pumasok sa loob. Nakasunod lamang ako sa kanila hanggang makarating sa kwarto ng anak namin.

"Ako na ang magpapalit ng damit niya," prisinta niya nang hindi tumitingin sa akin. "Magpahinga ka na."

"Are you sure?" alanganing usal ko.

Tumango siya at tumungo sa cabinet. Sandali akong tumitig sa likuran niya, umaasang lilingunin niya ako pero hindi nangyari. Tila may kumurot sa puso ko kaya wala na kong nagawa kundi lumabas.

Nagpalit lang ako ng night dress at nahiga na sa kanang parte ng kama. Tumulala ako sa kisame at nang maramdaman ang papalapit na presensya ay pumikit ako. Hanggang marinig ko ang pagbukas-sara ng pinto.

Dito nga siya matutulog.

Hindi ako gumalaw at pinanatili ang aking pagpapanggap. Dinig ko ang yabag niya patungo sa walk-in closet. Sumilip ako at nadatnan siyang nagpapalit ng damit. Halos mamilog ang bibig ko habang namamanghang pinagmasdan ang built ng kaniyang katawan.

Too manly. The biceps and the abs...

Nang paharap na siya ay muli akong pumikit. Hanggang maramdaman ko ang paglubog ng kama sa tabi ko. Halos hindi ako huminga nang haplusin niya ang buhok ko at dinampian ng halik ang aking noo.

"I'm sorry, baby," he whispered. "I didn't mean to be cold earlier. H-Hindi ko lang talaga matanggap na wala na ka nang nararamdaman para sa akin." Nanginig ang tinig niya. "W-Wala... na ba talaga?"

Tila may pumiga sa puso ko. Ikaw ba? May nararamdaman ka ba sa akin? Iyon ang gusto kong itanong. Subalit napapangunahan ako ng takot.

"A-Alam kong gago ako pero kahit kaunti, umaasa akong may nararamdaman ka pa rin sa akin." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan 'yon. "K-Kahit kaunti lang. Masaya na ko." Tuluyan siyang napahagulgol. "Ako na ang magpupuno ng iba hanggang mabalik ko ulit ang buong pagmamahal mo sa akin. P-Please, Luna... Gagawin ko ang lahat."

Upang maiwasang mahalata niya ang pagluha ko ay marahan akong gumalaw na parang natutulog at yumakap sa kaniya. Ramdam kong natigilan siya subalit yumakap din agad siya pabalik at hinaplos ang aking buhok.

"Let's stay like this forever," he mumbled and kissed the top of my head. "Good night, baby."

Ngunit ang tatlong salita na palagi kong inaasam na magmumula sa kaniya ay hindi ko narinig. Dahilan para lalong bumigat ang dibdib ko at makatulugan na naman ang pag-iyak.

"Good morning, baby," lambing ni Israel kinabukasan nang madatnan ko siyang naghahain sa mesa. Wala siyang suot na damit pang-itaas pero may pulang apron na tumatakip sa matipuno niyang dibdib. "Upo ka na. Tatawagin ko lang si Iver."

Tumango na lang ako at napaigtad nang mabilis siyang humalik sa pisngi ko saka tumakbo paakyat. Pupungas-pungas pa rin ako kaya hinayaan ko na lang. Nagkusot ako ng mata upang masaktan lamang dahil sa pamamaga niyon.

Bigla akong kinabahan. Nahalata kaya ni Israel? Sana hindi.

"Good morning, mom!" Yumakap agad sa akin si Iver nang makababa. "I had a very good dream last night."

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon