CHAPTER 14

224 12 11
                                    

CHAPTER 14

"'Wag! T-Tama na! Tigilan mo na ko!" Napabangon ako at maliksing sumiksik sa headboard ng kama. "T-Tama na... N-Nasasaktan na ko!"

Biglang bumukas ang pinto. "Luna, are you okay?"

"'Wag mo kong s-sasaktan, please..." Umiiyak akong lumuhod at pinagdikit ang palad. "T-Tama na. I'm sorry. H-Hindi na mauulit."

Napapitlag ako nang tumabi siya sa akin. "Luna, it's me. Israel."

Dagli akong nag-angat ng tingin. "I-Israel?"

"I'm here." Hinaplos niya ang pisngi ko. "You're safe. No one's gonna hurt you. Calm down."

"H-Hindi ka ba niya sinaktan?" Sinuri ko ang kabuuan niya. "How's your hands? May tama ka ba ng baril?"

"Sshh..." Hinagod niya ang likod ko. "I'm fine. Don't worry."

"U-Umalis na tayo, Israel. B-Baka bumalik siya." Tumayo ako at binalot ang blanket sa sarili. "Ayaw ko na siyang makita. Please. U-Umuwi na tayo."

"He's not here, Luna. You're safe." Mahigpit niya akong yinakap. "Calm down. Breathe."

Wala ako sa sariling sinunod ang sinabi niya ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko si Flint. "B-Baka maabutan pa niya tayo rito. May baril siya, Israel. N-Natatakot ako." Muling nangatog ang tuhod ko. "T-Tara na. Please?"

"We're in our home, Luna. You're safe. Calm down." He kissed the top of my head. "Hush. Breath in and out."

Umiling ako at muling humagulgol. "N-Nandito siya kanina, eh."

"It was just a nightmare, Luna." Hinaplos niya ang buhok ko habang nakahawak sa aking kamay. "You just woke up. You're safe."

Muling kumirot ang aking ulo at doon pa lamang ako nabalik sa ulirat. Nanghihina akong napasandal sa headboard ng kama at wala sa sariling tumulala.

Ngayon na lang ulit ako binangungot ng gano'n. Dahil na rin sa kapareho ko ang sinapit ng dalawang babae na tumunghay sa video, nabuhay ang aking alaala ng nakaraan.

Ang masakit ay wala akong kalaban-laban. Na nangyari pa 'yon sa panahong hindi pa ako sinasabak sa training ng martial arts, judo, taekwondo at boxing. Para kasi sa Princess Royal ang dapat niyang unahin ay pag-aaral kaysa makipaglaban.

Natupad ko nga ang mga tungkulin ko bilang Princess Royal ngunit malupit naman ang sinapit ko sa piling ni Flint. Bagay na hanggang ngayon hindi ko malimutan.

"Do you feel better now?" masuyong sambi ni Israel. "Hmm?"

Tumango ako. "I-I'm sorry for disturbing you. P-Pwede ka nang bumalik sa kwarto mo."

Paniguradong nandito siya dahil narinig niya ang pagsigaw ko. Kasi kung hindi, nando'n na naman siya sa kwarto niya at masayang kasiping ang babae niya.

"I'm staying here."

"Para mabawalan mo ko kapag inatake na naman ako ng trauma ko?" Umiling ako. "No, thanks. I can manage. And don't worry, I'll keep my mouth shut."

"Luna." Napabuntong-hininga siya, tila nagpapasensya. "Aside from I'm your husband, I'm your doctor."

"Kung gano'n, kaya mo bang gamutin ang sugat na dinulot mo sa akin ng dalawang taon?"

Natigilan siya, napatitig sa akin bago nagbaba ng tingin. "Don't think of him. Please. It will just trigger your trauma," he said instead, changing the subject.

"May maganda pa ba kong maiisip?" mapait kong anas. "Buong buhay ko, puro na lang pasakit ang dulot niyong mga lalaki sa akin."

Minsan naiisip ko, paano nga kaya kung hindi ako pinanganak bilang Princess Royal? Na isa lamang akong ordinaryong mamamayan? Mararanasan ko pa rin kaya ang mga nararanasan ko ngayon? Makakatagpo ba ko ng lalaking tunay na magmamahal sa akin? Na hindi ako sasaktan?

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon