CHAPTER 34
"Good morning, baby," I greeted and kissed his cheeks. "Did you sleep well?"
"I heard loud noises last night, mom."
Dinamba ako ng kaba. Sana hindi niya narinig ang mga putok ng baril kagabi. Ayaw kong ma-trauma siya. Pero alam ko ring sa mga susunod na taon ay kailangan na rin niyang matutong makipaglaban. Lalo na't required 'yon sa kinabibilangan naming angkan.
"I woke up and didn't find dad on my side." Iver pouted his lips. "Where did he go, mom? Kuya Henry told me to go back to sleep but I can't."
"Pinuntahan ka ni Henry sa kwarto niyo?"
Tumango siya. "Siya muna raw po ang magbabantay sa akin dahil may aayusin lang daw po si dad. Ayaw ka rin po niyang istorbohin dahil pagod ka raw po."
Nakahinga ako ng maluwag at yinakap siya. "Good job, baby. You did a great job to obey him."
Dahil kung hindi, baka nakita rin siya ni Flint kagabi at ginamit pa siya laban sa aming dalawa ni Israel. Ayaw kong mangyari 'yon. Kahit ako na lang ang masaktan. 'Wag lang ang anak ko.
"Mom? Are you okay?" Kumalas siya at masuyo akong tiningnan. "Something's bothering you?"
Umiling ako at ngumiti. "I'm just happy that you're safe, baby." Hinalikan ko siya sa noo. "I love you."
"I love you too." Then he roamed his eyes. "Hindi pa po ba bumabalik si dad?"
Ayun na naman ang paglaganap ng matinding kirot sa aking sistema.
Matapos ang naging usapan namin ni Israel kanina ay hindi ako kumibo at tahimik na lumabas. Iniwan ko siya roon sa kwarto ko na batid kong hanggang ngayon ay nando'n pa rin siya dahil wala akong naririnig na pagbukas-sara ng pinto.
Malinaw pa rin ang rehistro sa akin ng malakas niyang pag-iyak sa harap ko habang nakaluhod at paulit-ulit na humihingi ng tawad. Pero wala akong maisagot. Walang salitang namutawi sa bibig ko kundi paghikbi upang mailabas lahat ng luma at bagong emosyong kumikilkil sa naging takbo ng buhay naming dalawa.
Paanong naging ganito kahirap at kalungkot ang ikot ng mundo sa amin? Paanong parehong buhay namin ang nasira upang maprotektahan ang isa't isa?
Nakagat ko ang labi upang magpigil ng luha. "He came back earlier, baby. N-Natutulog lang siya."
"Where po?"
"S-Sa kwarto ko." Pilit akong ngumiti at hinaplos ang kaniyang buhok. "Don't worry, baby. Makakasama mo ulit siya mamaya paggising niya."
"Really?" Nagliwanag ang mukha niya. "Nagkabati na po ba kayo? Napatawad niyo na po si dad? May complete and happy family na po ako?"
Napayuko ako kasabay nang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Gaya kanina, nanginig lamang ang mga labi ko subalit walang kahit isang salita ang lumabas.
Hindi sumagi sa isip ko ang pagpapatawad mula pa noon. Pero ngayon...
"Mom? Are you crying?" Napanguso siya at mabilis na namuo ang luha. "I'm sorry po."
"It's fine, baby. I'm okay." Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. "Don't cry."
"It's okay, mom." Suminghot siya at pinadaan ang kamay sa mga mata upang palisin ang luha. "It's okay if you're not still in good terms with dad. I'll just wait." Ngunit kahit anong palis niya ay bumuhos pa rin ang panibagong luha. "G-Gusto ko lang po magkaroon ng masayang pamilya. T-Tulad ng mga kaibigan ko sa Denmark."
Napapikit ako at lalong napaiyak. "I'm sorry, baby." Mahigpit ko siyang yinakap. "I-I'm sorry if you're having a hard time. It's my fault."
"I don't blame you nor dad. I... just want both of you to be happy. Can you do that for me? Mom?"
BINABASA MO ANG
One With You
RomanceWarning: Matured Content "No matter where your love leads, there will I be. Because I am destined to be one with you."
