CHAPTER 32
It's not selfish to love yourself, take care of yourself, and make your happiness a priority. It's necessary.
That's what I always remind myself every day for the past five years. It helps me to survive. And it never disappoints me. Because you could never go wrong when you love yourself.
Wala rin namang ibang tutulong sa akin, kundi ang sarili ko lang din.
Kaya nang manghingi ng chance si Israel, hindi agad ang sagot ko. Mahal ko na ang sarili ko at hindi ko na hahayaang mawasak pa ulit ang binuo kong pader. Ayaw ko na. Tama na ang pitong taon. Natuto na ko.
"Mas malalim pa sa balon 'yang buntong-hininga mo," anang West na biglang sumulpot sa likuran ko. "Anong drama 'yan?"
"Wala." Nahilot ko ang sentido. "Kumusta si Sean?"
"Ayun, nagmumukmok."
"May LQ sila ni Eve?"
"Nagselos yata nang malamang pinuntahan ka niya noong isang linggo sa mansion ni Doc Israel." Umupo siya sa harap ko. "Hindi ba kayo natuloy na kausapin si Eve?"
"Malamang hindi," irap ko. "Epal 'yong ex ko, eh."
"Limang taon na 'yang misunderstanding niyo. Sige kayo, baka ma-expire na talaga friendship niyo."
Hindi na ko nabunutan ng tinik sa dibdib dahil kahit anong baling ko, sunod-sunod ang problema.
"I don't think I'm ready to face her."
"Magiging handa ka rin once na nagkaharap na kayo." Sumandal siya at pinagkrus ang mga hita. "Maluwag ang schedule niya this week."
"So?" Tumaas ang kilay ko. "Oy, akin 'yan," saway ko nang humigop siya sa kape ko. "Magtimpla ka ng iyo."
"Ang akin lang, maglaan kayo ng oras para makapag-usap. Pahahabain niyo pa ba ang problemang 'yan? Ang tatanda niyo na."
"Matanda ka na rin."
"Pero mas matanda ka pa rin." Saka siya dumila. "Bleh."
"Para kang bata." Ngumiwi ako. "Now I understand kung bakit hindi kayo nagkakaayos ni Lyric."
"'Wag mo ngang ibahin ang usapan." Tumikhim siya. "Where's Iver? Hindi ko yata nakikita?"
"He's with Israel." Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at binuksan ang pinadalang litrato nilang mag-ama. "Namamasyal sa park."
"Wow," aniya pa na nakasilip din sa cellphone ko. "Ikaw na lang kulang, complete and happy family na."
"Magmumog ka ng asido para masala 'yang bibig mo."
"Sus," ngisi niya. "Aminin mo na kasi. Gusto mo rin 'yon. Mahal mo pa rin ang ex mo. Napapangunahan ka lang ng takot."
I glared at him. "Shut up. Nagpunta ka ba rito para sabihin 'yan? Kung gano'n, lumayas ka."
"Ito naman, 'di mabiro." Natawa siya. "Kahit totoo naman talaga."
Inambaan ko siya ng suntok. "Isa pa, tatama na 'to sa 'yo."
"But seriously, hindi mo na talaga siya bibigyan ng chance?"
Umiwas ako ng tingin. "Hindi."
"Ay, sure na? Sayang. Aabangan ko sana ang susunod niyong anak."
Babatukan ko na sana siya nang marinig ang yabag ng tauhan ng palasyo hanggang huminto sa gilid ko.
"Greetings, Princess Luna." Magalang siyang yumuko at may nilapag na kahon sa kaharap kong mesa. "Kagabi pa po 'yan nasa mailbox niyo malapit sa inyong silid."
BINABASA MO ANG
One With You
RomanceWarning: Matured Content "No matter where your love leads, there will I be. Because I am destined to be one with you."
