EPILOGUE

497 23 6
                                        

EPILOGUE

"We couldn't find her."

I shut my eyes to prevent my tears but they still betrayed me. They continued burning my eyes and rolled down on my cheeks, non-stop.

Kasalanan ko.

Kasalanan ko kung bakit siya naaksidente. Kasalanan ko kung bakit humantong sa ganito ang buhay namin. Kasalanan ko ang lahat.

Gusto ko lang naman siyang protektahan. Pero sa huli, ako rin pala ang magiging dahilan kung bakit siya sobrang nasasaktan ngayon.

Paharap na sana ako nang muling bumukas ang pinto. Mula sa repleksyon ng bintana, pumasok si Chasty at tumabi kay Henry na kanina pa nilalahad sa akin ang mga nakalap niyang impormasyon ukol sa masusing paghahanap kay Luna.

Ilang araw na ang nakalipas matapos kong malaman na naaksidente siya pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nalalaman kung saan siya naroroon.

"What is it?" usisa ko nang mapansing tila nag-aalangan pa si Chasty na magsalita.

"Sean Heinrich and West Verdejo are with Princess Luna."

Napatayo ako at kunot-noong humarap. "Nasaan sila?"

"T-They..." Napalunok siya. "I think they booked a flight--"

"Saan? Kailan?" putol ko saka naikuyom ang kamao.

"Hindi ko alam. M-Masyadong mabilis ang mga pangyayari kanina nang makita ko silang papalabas ng hospital. Ang tanging sigurado ko lang ay may bitbit silang mga maleta." Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Narinig kong nakiusap si Princess Luna sa dalawa na ilayo siya sa emperyong ito."

Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang swivel chair at malakas iyong hinagis dahilan para mabasag ang ibang kagamitan sa loob ng opisina. Kasing lakas ng pagbuhos ng luha sa aking mga mata.

Pakiramdam ko ay nasa dead end na ko.

"Doc Israel, 'wag!" nagugulat na hiyaw ni Henry nang mapansing dadamputin ko ang cutter. "M-May pag-asa pa po. Makikita niyo pa rin si Princess Luna."

"Israel, kumalma ka," buntong-hininga ni Chasty. "Lalo lang lalala ang sugat mo niyan, eh."

Doon ko pa lang namalayan na nagdurugong muli ang malalalim na sugat na natamo ko sa pakikipaglaban nang sumugod ako sa kuta ni Flint. Pero wala pa 'yon sa sakit na umiiral sa akin ngayong wala ang asawa ko sa aking tabi.

"I-Iniwan na niya ko?" bulong ko.

"Oo," diretsang anas ni Chasty. Pinigilan siya ni Henry pero dahil ugali niya ang pagiging prangka ay muli niya akong pinagsabihan. "Iniwan ka na niya. Iniwan ka na ni Princess Luna. For good." Lumapit siya upang i-surrender lahat ng armas na ginamit matapos niyang mapatay si Hank. "Matagal na kitang sinabihan na aminin sa kaniya ang lahat. Pero wala kang ginawa. Ngayong wala na siya, magdusa ka."

Magdusa...

Maliit akong ngumiti, sumasang-ayon.

I can't blame Luna. Kahit sino naman, gugustuhing mapalayo sa tulad ko.

Mabuti na rin siguro na malayo siya sa akin kaysa masaktan ko na naman siya nang paulit-ulit. Kaysa manatili siya sa tabi ng gagong katulad ko. Kaysa makita siya ni Flint at gamitin na naman siyang pang-blackmail sa akin para sirain ang buhay niya, maging ang buong emperyo. Kaysa maghirap na naman siya sa poder ko.

It's better that way even if it kills me every day thinking that she's not by my side.

Knowing that she's properly breathing whenever on Earth she is, I'll be fine. It's enough for me.

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon