CHAPTER 38

215 10 16
                                    

CHAPTER 38

"Hay, salamat," nakangising sambit ni Chasty habang matamang pinagmamasdan kami ni Israel na magkayakap pa rin. "Pwede na kong mamatay." Pinagdikit pa niya ang mga palad. "My favorite couple is now finally reunited."

Sinamaan siya ng tingin ni Henry. "Snap it out."

"You know what, Princess Luna? I already felt your presence since you came in earlier."

Kumalas si Israel upang tingnan siya ngunit nanatiling nakayakap ang braso sa aking bewang. "And you didn't tell me?"

"Ginawan na nga kita ng pabor, nagrereklamo ka pa? At saka humihina yata ang senses mo. Dahil sa puyat 'yan, kaiisip sa asawa mo sa loob ng limang taong nawala siya."

"Chasty." Hinatak ni Henry ang sinuot niyang sando. "Show some respect."

Umirap siya. "Kailangan niyang matauhan."

"Anong pabor do'n?" anas pa ni Israel.

"Alam kong patatagalin mo pa bago mo aminin kay Princess Luna ang totoong dahilan ng pambababae mo. Kaya ako na ang gumawa ng paraan. Hindi ka na nahirapan. See? She got back to your arms. Easy as pie."

Napabuntong-hininga si Israel at nagbaba ng tingin sa akin. "Did you really... hear it?"

Tumango ako. "I'm sorry. I-I thought..."

"Your guess was right, Princess Luna," muling sabat ni Chasty. Tinatakpan na ni Henry ang bibig niya pero umiiwas siya, ayaw papigil sa pagdaldal. "We checked in this hotel where Flint cannot infiltrate. Dito kami nagkikita at nag-uusap ng asawa mo upang hindi malaman ang plano namin laban kay Flint. And you thought he's here again to flirt with me?" Umiling siya. "You got the wrong idea. And I'm so sorry for that."

"I'm sorry, I judged you too soon." Namuo ang luha sa aking mga mata. "Can we be friends?"

Doon na siya natahimik at napatitig sa akin. "W-What did you just say?"

"I want to be friends with you, Chasty."

Nagsunod-sunod ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata at malakas na umiyak na parang bata!

"Oh my gosh." Napatakip ako sa bibig. "I-I'm sorry. Don't cry."

"It's okay, Princess Luna." Si Henry ang sumagot. "Ganyan lang talaga siya kung umiyak."

"Pwedeng pa-hug?" request pa ni Chasty. "Lodi kita, eh."

Natawa ako at akma na siyang yayakapin subalit hinatak ko ni Israel upang itabi muli sa kaniya.

"Don't come near her, baby," he mumbled. "Flint touched her. I don't want to pass it to you." Ngumiwi siya. "Gross."

"Grabe ka naman!" tili ni Chasty. "Alam kong hayop si Flint pero wala akong virus para mahawahan siya, 'no!"

Ngumiti ako. "Next time ko na lang ibigay ang hug."

"Asahan ko 'yan, ha?" She giggled. "Kapag um-okay na ang sugat ko, mag-bonding tayo."

"Akala ko ba gusto mo nang mamatay?" sabat ni Israel. "Bakit hindi mo pa ituloy?"

"Bwisit ka!" Ngumuso siya at tumingin sa akin. "Pagsabihan mo nga 'yang asawa mo. Ang sura ka-bonding!"

"Hindi ko siya asawa."

"Baby?" nagsusumamong bulong ni Israel. "We're married."

Natawa si Chasty. "Tingnan mo, sa isip ni Princess Luna, divorced na kayo!"

"Sshh." Nagtagumpay nang matakpan ni Henry ang bibig ng nobya. "Magpahinga ka."

"You won't do that, right?" lambing ni Israel saka hinagkan ang bewang ko. "Baby? Hmm?"

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon