CHAPTER 17

208 13 5
                                    

CHAPTER 17

My mentor in Germany once told me that when you can't seek the answer to a certain question, let the answer find you. Because everything in life will fall to the right place and time when you least expect it.

But based on what I'm experiencing right now, I don't think it will work. Two years has passed and yet, the answer to all of my questions couldn't find me. It just made me more miserable.

Napasabunot ako sa buhok at mas binilisan ang pagmamaneho habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga sinabi ni Israel kanina.

But the more I think, the more confused I get.

Pinagpapasalamat ko na lang din na hindi nadugtungan ang pag-uusap nila tungkol doon dahil kinailangan ang presensya ni King Luca sa nagaganap na kaguluhan sa loob ng kulungan. Nagwawala ang mga nahuling rebelde at may nagbanta pa na ano mang oras daw ay susugod ang mga kasamahan nila upang sila ay sagipin.

Bigla akong napatingin sa kaliwa kong kamay kung saan suot ko ang wedding ring at napangiti.

They say, wedding ring is a symbol of devotion and agreement between two parties to love and cherish one another for the rest of their days.

I still clearly remember the time when Israel put this ring on my finger while professing his vow. It was one of the happiest moments that happened in my life.

And I wanted to know if he's still wearing his ring?

Pag-angat ko ng tingin ay gano'n na lamang ang gulat ko nang makitang mabubunggo ko ang isang motor! Dagli kong kinabig ang manibela saka malakas na pumreno.

"Putang ina!" anang driver nang mapahinto at nag-alis ng helmet. "Marunong ka bang magmaneho?!" turo pa niya sa akin. "Ang mahal pa ng kotse mo, kaskasero ka!"

Pilit kong inaninag ang mukha niya at halos matawa ako nang makita si Hank na yamot na yamot. At ang lakas ng loob niyang gumala ng ganitong oras na maliwanag pa. Kunsabagay, magaling magtago ng sungay ang mga miyembro ng sindikato.

Imbes na patulan siya ay umatras na ko saka mabilis na humarurot palayo. Pag-uwi sa mansion ay dumiretso ako sa kusina upang uminom ng tubig. Nahagip ng tingin ko ang nakabukas na bote ng alak at nang maamoy 'yon ay parang gusto kong masuka.

"Mahal na prinsesa, nand'yan ka na pala." Nakangiting lumapit si Manang Beth habang may hawak na basahan. "Bakit ganyan ang mukha mo? Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Kanino po galing 'to?" turo ko sa wine na ngayon ko lang nakita. "I can't remember na bumili po ako ng ganyan. Ang baho, eh."

"Binigay ito ni Director Chasty." Saka niya inamoy 'yon. "Mabango naman, hija. At halatang mula sa ibang bansa. Ka-level lang din ng mga binibili niyo ni Doc Israel."

Sumama ang mukha ko. "Binigay ni Chasty 'yan?"

"Bago siya umuwi kagabi ay binigay niya 'yan."

Nangunot ang noo ko. "Umuwi siya?"

Tumango siya. "Sige, hija. Aalisin ko na 'to."

Nagtaka naman ako. Umuwi siya? Anong oras? Siya ba 'yong narinig kong bumubungisngis kagabi sa kwarto ng asawa ko? O nagpalit agad ng babae si Israel matapos pagsawaan si Chasty?

Wow, nakakagago.

Pinalis ko ang luhang hindi ko namalayang tumulo na pala at pagod na umakyat.

"Where have you been?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang malalim at walang emosyong tinig ni Israel nang makapasok sa kwarto ko. Napahawak ako sa dibdib nang ilibot ang tingin sa kabuuan hanggang matagpuan ko siyang nakaupo sa couch na malapit sa balcony. Magkakrus ang mga hita niya habang nagbabasa ng libro.

One With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon