PROLOGUE

35 5 0
                                    


This is my first story, so this may contains, grammatical, punctuation, and typographical errors. You can correct me anytime. I'm still learning and improving.




THIS IS THE UNEDITED VERSION! ! !




DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

___

"Are you ready for tonight?" tumango ako bilang sagot habang inaayos ang evening dress na gagamitin ko mamayang gabi.

May alumni party kasi kami, batch namin nung high school. Medyo kinakabahan ako dahil posibleng makita ko ulit sya don, lalo na at may awarding na magaganap mamaya dahil isa sya sa mga best engineer of town.

"Ready ka na bang makita ulit sya?" napalunok ako sa tanong ni Dion, ang totoo hindi pa, dahil natatakot ako na baka masira ko lang yung gabi nya, natatakot ako na baka makagawa kami ng eksena don mamaya. Pero sa pagkakakilala ko sa kanya ay hindi naman nya kayang mamahiya ng tao sa harap ng madaming tao.

"Hindi ko alam," sagot ko. "Handa naman akong tanggapin lahat ng sasabihin nya sakin, may karapatan naman syang magalit."

Hindi na sya sumagot at hinayaan na lang akong mag isip isip sa mga posibleng mangyari mamayang gabi. Pagkatapos namin kumain ng lunch ay namahinga muna ako sa hotel room ko dahil mga bandang 5 PM ay dadating na ang stylist at make up artist na kinuha ni Dion para sakin. Hindi naman na nya kailangang gawin yon dahil kaya ko naman ayusan ang sarili ko.

Dumating na ang oras ng alumni, pababa na kami ng hotel ni Dion. I wore a simple black evening dress, that fitted on me. Nag bun lang din ako ng buhok dahil mainit kung maglulugay ako, at tsaka ako nag iwan ng ilang strands sa harap ng mukha ko.

"Ang ganda mo," bumalik lang sa wisyo ang isip ko nang magsalita si Dion, nakasuot lang din sya ng black americana at red na neck tie.

"Salamat," yon na lang ang nasabi ko dahil lamang pa rin talaga ang kaba sa dibdib ko.

Bumyahe na kami papuntang BSU, kung san kami nagtapos ng high school. Tahimik lang kami pareho ni Dion sa kotse, habang papalapit ng papalapit ay palakas ng palakas din ang tibok ng puso ko.

Finally, after five years.

Nang makarating kami parking lot ng school ay parang namagnet ang paa ko, hindi ko maigalaw dahil sa tindi ng kaba na nararamdaman ko, hindi ko alam kung nandiyan na sya o wala pa. Pero sana ay wala pa. Dumiretso na kami sa function hall kung saan gaganapin ang aming alumni.

Bigla akong nag reminisce nang makatungtogng ako sa loob ng function hall, dito nag umpisa lahat. LAHAT. Nakita ko rin ang dati kong schoolmates, nakatingin sila sakin na para bang ibang Gabby ang kaharap nila ngayon.

Agad na hinanap ng mata ko ang pakay, ngunit nabigo ako nang makitang wala pa sya don, tumingin ako sa relo na suot ko at ilang minuto na lang ay mag uumpisa na.

Mas lalo pang dinaga ang puso ko ng makaupo na kami sa table namin at nakita ang pangalan nya don. Ka table ko sya!

ENGR. ETHAN KENJIE MENCHAVEZ

Sa sobrang kaba ay nagpaalam muna ako na pupunta muna akong banyo. Nang pagliko ko sa may gawi ng mga restroom ay agad akong natigilan, literal. My heart beats stop until I finally heard his voice again.

"Gabby,"


:>>>

Broken TrustWhere stories live. Discover now