Twenty

5 1 0
                                    


Kenjie's POV

Pabalik na ako sa loob ng hotel nang matamaan ko si Gabby sa may isang kotse na nakasalampak at hatalang umiiyak na naman.


Hanggang kailan ba kita makikitang nasasaktan?


Agad ko siyang nilapitan. "Gabby!" nag-aalalang tawag ko sa kaniya.

"Anong nangyari?" tanong ko. Dahan-dahan naman niyang inangat ang ulo niya para tingnan ako.

Niyakap niya ako, ng sobrang higpit. I hugged her back, I just wanted her to feel na andito lang ako.

"Bumalik siya," usal niya. "The one who broke my trust," umiiyak na sabi niya.

Hindi ko na kailangan itanong kung sino dahil kilala ko na.

"Siya yon?" tanong ko at tumango naman siya.

Kaya pala pagkakita ko pa lang sa kaniya ay hindi na agad maganda ang kutob ko. Lalo na nung makita ko kanina ang reaksyon ni Gabby nung ipinakilala siya ni Alfred, at nung umalis si Gabby sa table namin ay agad niyang sinundan.

"Gusto mo bang ihatid na kita sa bahay nyo?" tanong ko at dahan-dahan naman siyang tumango.

Inalalayan ko siyang tumayo at inalalayan ko rin siyang maglakad hanggang sa makarating kami sa kotse ko. Hinubad ko rin ang suot niyang takong at tsaka ko kinuha ang extra kong tsinelas at yon ang pinasuot sa kaniya.

Hinubad ko rin ang coat ko at tsaka ko sinuot sa kanya.

Bumyahe na kami pauwi sa kanila, ako na lang ang bahalang magpaliwanag kila Mommy mamaya. Ang importante ngayon ay ang nararamdaman ni Gabby, hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila pero isa lang ang sigurado ako, nasaktan siya.

At para hindi na siya masaktan pa lalo ay mabuti na ring iuwi ko na siya sa kanila.

Bumaling ako kay Gabby na hanggang ngayon ay humihikbi pa rin, huminto ako sa isang convenience store para ibili siya ng tubig.

Pero pagbalik ko sa loob ng kotse ay nakita kong nakatulala lang siya.

"Hey Gabby, water," inabot niya iyon at tsaka ininom.

"Ayoko pang umuwi," sabi niya na ikinagulat ko.

"Gusto mo pang bumalik don?" tanong ko naman.

"Hindi, ayokong umuwi ng ganito ang itsura ko, magtataka tiyak si Ate, please huwag mo muna akong iuwi," sabi niya, tumango naman ako.

Nagmaneho ako papunta sa village namin, pero dinala ko siya sa park.

She needs to breathe, after all the pain she's feeling right now.

Pagkababa namin ay umupo kami sa swing.

"Akala ko okay na ko," bigla ay sabi niya. "Alam kong galit ako pero nung nakita ko siya kanina, hindi ko yon naramdaman,"

"Pero nung sinabi niya sa'kin na mahal niya pa rin ako, don ko na lang ulit naramdaman yung galit ko," nag-uumpisa na naman siyang umiyak.

Gusto kong magalit don sa lalaking yon, pero wala akong karapatan kasi hindi ko naman alam yung nangyari sa kanila.

Ayokong mangialam dahil wala akong karapatan.

Broken TrustWhere stories live. Discover now