Gabby's POV"Bakit mo naman ipinahiya ng ganon yung tao?" tanong sa'kin ni Ate nang ikwento ko sa kaniya yung nangyari kanina sa cafeteria.
"Ayaw niya kasi tumigil, ang kulit," sabi ko naman.
"Kahit na, hindi mo dapat ganon tratuhin yung tao, pwede mo namang sabihin na si Kenjie ang date mo," alam kong naiinis si Ate sa inasal ko kanina pero anong magagawa ko, naiinis talaga ako sa kanya.
Alam ko rin na mali na ipahiya ko siya sa harap ng mga kaibigan ko, ewan ko ba naiirita ko kapag kinakausap niya ko.
"Hay nako Gabriela, be matured. We both know how much pain he have caused you, pero mukhang nagsisisi naman na siya,"
Ramdam ko naman, hindi ko lang talaga maintindihan yung sarili ko kung bakit hanggang ngayon mainit pa rin ang dugo ko sa kanya.
Hindi ko na siya sinagot dahil ayoko ng humaba pa yung usapan namin. Pumasok ako ng kwarto para mamahinga at tsaka ako nag scroll sa IG nang mag pop yung pangalan ni Kenjie.
From: Kenjie
Hey, busy ka ba sa weekend?
I typed immediately.
To: Kenjie
Hindi naman. Bakit?
From: Kenjie
My dad wants to meet you.
Agad akong napabalikwas ng bangon, dinouble check ko pa kung tama ang pagkakabasa ko. Hindi ko pa nakikilala ang Daddy niya, at hindi ko alam kung handa na ba akong makilala siya.
To: Kenjie
Okay.
Lumabas muna ako ng kwarto para uminom ng tubig, nakita ko pa si Ate sa may labas. Nang mapansin niya ako ay pumasok na siya.
"Okay ka lang?" tanong niya nang mapansing medyo kinakabahan ako.
"Si Kenjie," hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Ate! "His dad wants to meet me,"
"Really? Anong sabi mo?" excited na tanong niya.
"Sabi ko 'okay'," huminga ako ng malalim. "Kinakabahan ako Ate eh,"
"Ano ka ba, para namang hindi mo naranasan 'yan kay Dion," sabi niya.
"Hindi ko pa kasi siya name-meet," sabi ko naman.
"Ano ka ba go na yan!" masayang sabi niya.
🌼🌼🌼
"Oh my God Daddy! I missed you!" masayang sinalubong nj Athena ang Daddy niya.
"I missed you anak," nagyakapan sila ng mahigpit, naalala ko tuloy si Papa.
"Kenjie anak, halika rito," bumaling siya kay Kenjie at nagyakapan sila.

YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.