Nineteen

6 1 0
                                        


Gabby's POV

"Ang ganda naman ng bungad mo sa'kin," biro niya pero inirapan ko lang siya. "Kamusta?" bigla ay seryosong sabi niya.


Napatingin naman ako sa paligid namin at masyadong tago ang C.R para mag stay dito ang mga tao.


"Okay lang, ikaw kamusta?" sagot ko.


"Okay lang din, narinig mo naman yung announcement ni Dad kanina diba?" tanong niya kaya naman napangiti ako dahil sobrang tagal na niyang gusto makita at mahanap ang Daddy niya. "I finally found him," masayang sabi niya.


Sasagot na sana ako nang biglang lumitaw si Kenjie.


"Gabby, kanina pa kita hinahanap," seryosong sabi niya at napatingin naman sa kanya si Dion.


"Ahm, magbabanyo lang sana ako," sabi ko naman. "Ah, Kenjie, si Dion. Dion, si Kenjie-"


"What are you guys doing here?" bigla ay sumulpot si Tita Amy at nagulat nang makitang kasama namin si Dion. "Oh Dion, what are you doing here? Did you know them?" she asked.


Agad akong natuliro. "Ah nagtatanong lang po siya kung san yung C.R," sabi ko na lang dahil ang pangit naman tingnan kung sasabihin agad namin kung ano ang relasyon namin dati.


Agad namang na-gets ni Dion iyon. "Ahm yes po Tita,"


"Okay, pagkatapos niyo dyan bumalik na kayo don ha? Eat all you can guys," masayang sabi ni Tita Amy tsaka kami tinalikuran.


Sobrang awkward ng atmosphere naming tatlo kaya naman niyaya ko na si Kenjie na bumalik sa table namin.


"Tara na, baka hinahanap na nila tayo," sabi ko. "Ahm Dion ikaw? Gusto mo ba sumama sa'min?"


"Susunod na lang ako don," sabi niya tsaka kami iniwan. Bumalik naman na kami ni Kenjie sa table namin at naabutan na namin sila na kumakain.


🌼🌼🌼


"Guys I want you all to meet Dion," habang nagkukwentuhan kami ay biglang lumitaw si Tita Amy katangay si Dion na mukhang nahihiya. "Be nice to him okay?" biro niya at natawa naman sila pwera sa'min ni Kenjie.


"Hey bro, upo ka," anyaya ni Miguel at umupo naman kagad si Dion.

"Hi, I'm Athena, finally, in the flesh," inalok ni Athena ang kamay niya kay Dion at tsaka bumaling sa'kin na nakangisi. "And this is Mia, Miguel, Dominic, Kenjie and of course Gabby," nakangising sabi niya.

"Welcome to the family," sabi ni Kenjie pero mahihimigan mo rito ang pagiging sarkastiko.

"Thanks," sagot naman ni Dion.

Nagkwentuhan pa sila at si Athena naman ay panay ang tanong kay Dion, halatang inaasar ako.


"Ahm guys can I excuse Gabby for a while? Mag-uusap sana kami," nagulat ako sa sinabi ni Dion, tumingin ako sa mga kasamahan namin na ngayon ay nagtataka kung bakit sinabi iyon ni Dion.


Broken TrustWhere stories live. Discover now