Sixteen

5 1 0
                                        


Kenjie's POV

Isang linggo ang lumipas na walang bago sa'min ni Gabby, kadalasan ay nakikita ko ang mga kapwa namin estudyante na hinaharang siya, sinisita kung bakit lagi kaming magkasama. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang sakit tingnan na maraming nagagalit sa kanya without knowing na wala naman siyang ginagawang masama.

Kaya hangga't maaari ginagawa ko ang lahat para ipagtanggol siya, masyado ng masakit ang makita na puno ng lungkot ang mga mata niya, at ayoko nang dagdagan pa ang lungkot na iyon.

Sabado nang dumalaw siya sa bahay, nagulat ako dahil bihira lang siya magpunta dito at ako pa ang dahilan.

"Good morning," nakangiting bati niya sa akin pagkababa ko.

"Good morning, aga mo ah? Wala kang pasok?" tanong ko dahil usually every saturday ay maaga siyang pumapasok.

"Meron, pero nag day off ako," she said.

"Bakit?" kunot noo kong tanong.

Hindi siya nakasagot dahil biglang lumitaw sila Mommy at Athena kasama si Alfred.

"Oh hi Gabby," bumeso si Mommy kay Gabby, ganon rin naman si Athena at si Alfred.

"Ahm, may dala po akong chicken curry, sana po magustuhan niyo," nagulat ako dahil sa sinabi niya. Really?

Chicken curry is my favorite.

Pumunta kami sa dining area para sabay-sabay na mag breakfast. Habang kumakain ay hindi naman nila maiwasan na tanungin kami ni Gabby tungkol sa relasyon namin.

"So Gabby, kelan mo ba sasagutin ang aking baby boy?" tanong ni Mommy dahilan para matawa si Gabby.

Natigilan ako dahil sa tawa niya, ngiti na ngayon ko lang nakita. Ngiti na pumalit sa lungkot na nasa mga mata niya.

Nang mapanood ko siyang ngumiti, grabe ang ganda ng napili kong mundo.

Sobrang natulala ako sa mga ngiti niyang ginagawad sa pamilya ko, hindi ako sigurado sa sinasabi ng utak ko, pero isa lang ang sigurado ako, masaya ako.

"By the way, sakto andito ka na lang din naman, I'm inviting you to my birthday next week Gabby," biglang sabi ni Alfred.

"Oh, sige ho, makakarating ho ako," nakangiting sabi niya.

🌼🌼🌼

"Busy ka ba bukas?" tanong ko sa kanya.

"May pasok ako e, bakit?" she answered.

"Nothing, yayayain lang sana kita lumabas bukas, pero okay lang next time na lang," sabi ko at tsaka umupo sa upuan, nasa garden kami ngayon sa bahay.

Hindi siya sumagot, ilang minutong naging tahimik ang paligid namin, at tanging buntong-hininga lang niya ang naririnig ko.

"Alam mo, gusto ko na mag-resign sa trabaho ko," bigla ay sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit hindi mo gawin?" tanong ko naman.

"Hindi pwede, wala akong itutustos sa sarili ko, ayoko naman galawin yung pera galing kay Mama," bumalatay na naman ang lungkot sa mga mata niya.

Broken TrustWhere stories live. Discover now