Four

12 2 2
                                    


Kenjie's POV

Hindi ko pa rin maialis sa sarili ko ang inis, at hindi ko matanggap ang katotohanang napahiya ako kanina!

Eto ang unang beses na napahiya ako nang  dahil sa babae. Dagdag nyo pa yung katotohanang ayaw ni Gabby sa pink, kaya hindi ko pinapansin si Athena kanina pa. Natapos ang buong maghapong klase na wala ako sa mood. Nadidinig ko pa ang ibang estudyante na nagbubulungan kapag dumadaan kami sa harap nila.

"Kenj," napahinto ako sa pagbubukas ng kotse ko nang tawagin ako ni Athena. Inis ko naman syang hinarap. "I'm sorry, natatakot lang naman kasi ako na baka pinagtitrip-"

"Pati ba naman ikaw?" inis na sabi ko at tumungo lang sya. "Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko pinagtitripan si Gabby, totoo ang nararamdaman ko para sa kanya," sabi ko at pumasok na ng kotse, naramdaman ko namang sumakay din sya. Napatingin ako sa kanya nang makitang hindi nya kasama si Gabby.

"Nauna na sya, hindi na daw muna sya sasabay satin," nahalata ata ni Athena yung kilos ko. Bumuntong hininga ako at tsaka nag drive pauwi sa bahay.

Bahay.

Pagkadating sa bahay ay nakita kong nagtatawanan si Mommy at si Alfred, kaya pabagsak kong binitawan ang bag ko sabay naman silang natigil at napatingin sakin.

"Kenjie, ayos ka lang?" napataas ang kilay ko nang magtanong ni Alfred.

"Sorry, I don't talk to strangers," umirap ako at tsaka sila tinalikuran. Nadinig ko pang tinawag ako ni Mommy pero dumiretso lang ako sa kwarto.

He was so trying hard to approach me, to talk to me, hindi na nya napapansin na ayoko sa kanya?! At hindi rin ba nya napapansin na hindi ko pa sya tanggap? At kahit kelan hinding hindi ko sya matatanggap bilang tatay ko.

Naligo ako pagkatapos non ay kumuha lang ako ng cereal sa baba at tsaka pumanik. Wala akong ganang kumain, lalo na at makakasabay ko lang sila. Pagkatapos kumain ay naisipan kong tawagan ang Daddy ko.

[Hello?] napabuntong hininga agad ako nang marinig ko yung boses nya. [Lalim non nak ha, okay ka lang?]

[Yes dad, ikaw kamusta?]

[Okay naman, eto busy sa trabaho, teka bat ka napatawag?]

[Ahm, nothing I just miss you,] bumuntong hininga ulit ako dahil totoong miss ko na ang Daddy ko.

[Okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa nagbubuntong hininga dyan,] natatawang tanong nya at tumawa rin ako.

[Ahm, actually a girl just rejected me earlier,]

[Bago yan nak ha? Sabi ko naman sayo, tayo dapat ang nagpapaiyak sa mga babae, hindi babae ang magpapaiyak satin,] nagtawanan kami. I remember all those times na kaming family yung nagtatawanan, I miss my family. Sa tuwing naiisip ko na may kanya kanya na silang pamilya para kong dinudurog ng paulit ulit.

Broken TrustWhere stories live. Discover now