Kenjie's POV"Happy graduation to us!" masayang sabi ni Mia habang hawak ang camera, nagfi-film ng video.
"Look at my boys, we made it!" ngumiti lang ako ng tipid nang itapat niya sa amin yung camera.
Siya kasi ang valedictorian, si Gabby naman ay salutatorian.
"Congratulations Kenj!" nagulat ako nang bigla ay niyakap ako ni Athena. "Let's take a picture," ngumiti lang ako habang hawak ang diploma ko, siya naman ay tuwang-tuwa.
Pagkatapos namin mag-picture ay nakita ko naman si Gabby na kausap si Dion, nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago ako lumapit sa kanya.
"Congrats," hindi ko alam kung san ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon sa kanya.
Lumingon naman siya sa'kin na may tipid na ngiti sa labi.
"Salamat, congrats din," ngumiti lang ako sa kanya.
"Uy picture kayo," bigla ay sabi ni Athena, tatanggi pa sana ako pero pinagtabi na niya kami ni Gabby.
Ngumiti na lang din ako at si Gabby sa camera, wala nang nagawa.
"Samgyup tayo!" sabay na sabi ni Mia at Athena.
Nagbihis lang kami pare-pareho at tsaka nagkita-kita na lang sa isang samgyup restaurant.
"Nag-kausap na ba kayo ni Gabby?" tanong sa'kin ni Mommy habang hinihintay ko si Athena sa baba."Not yet Mom, I'm just waiting for the right time," I said.
Isang buwan at mahigit na kaming hindi nag-uusap ni Gabby, ang hirap pala.
Pagkababa ni Athena at Dion ay pumunta na kami sa usapang lugar.
Pagkadating namin don ay nadatnan na namin sila, pero wala pa si Gabby.
"Nasan si Gabby?" agad na tanong ko.
"Nasa C.R lang bro, masyado ka namang kinabahan," natatawang sabi ni Miguel kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
Ilang minuto pa nang bumalik na si Gabby, galing nga siyang c.r.
Masaya lang kaming kumain, habang si Gabby ay tahimik lang, as usual. Nang matapos kaming kumain ay don ko na nahanap ang tamang tiyempo para kausapin si Gabby.
"Hey Gabby, can we talk?" sabi ko habang papunta kaming parking lot.
"Oo naman, tungkol ba saan?" tanong naman niya.
"Tayong dalawa lang sana," nahihiyang sabi ko.
Tumango naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag, nagpaalaman muna kami sa isa't-isa, si Athena at Dion naman ay kay Doms na sumakay.
YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.