Eighteen

5 1 0
                                    


Gabby's POV

Pagkatapos ng naging usapan namin ni Kenjie ay hindi na talaga niya ako kinausap. Mas mabuti na rin iyon para maiwasan ko na rin ang galit ng mga tao sa'kin.



Hindi na rin niya ako sinusundo at hinahatid sa bahay, pero sabay pa rin kaming mag lunch, hindi nga lang nag-uusap.



Napagdesisyunan ko na rin na umalis na sa milk tea shop para naman mabigyan ko ng oras ang pag-aaral ko.



"Buti naman at naisipan mo nang umalis sa trabaho mo," sabi ni Ate habang kumakain kami.



"Nakakapagod kasi masyado, at tsaka para makapag focus na rin ako sa studies ko. Graduating na rin naman ako ng high school," sabi ko.



"Eh kamusta naman kayo ni Kenjie? Hindi ko na siya napapansin na sinusundo ka ah?" tanong niya.



Hindi pa rin alam ni Ate na hindi na kami nag-uusap ni Kenjie, at ayoko namang sabihin dahil magagalit yon kapag nalaman ang dahilan.



"Busy lang siya," sabi ko na lang.




🌼🌼🌼





"Pupunta ka pa rin naman sa birthday ni Tito Alfred diba?" tanong ni Athena habang naglalakad kami papuntang cafeteria.



"Oo naman, bakit naman hindi?" sabi ko nang hindi tumitingin sa kan'ya.



"Kasi diba, yung sitwasiyon niyo ni Kenj," naiilang na sabi niya at natawa naman ako.



"Hindi naman siya ang ipupunta ko ron, si Tito," sabi ko.



Hindi na siya sumagot at tsaka kami dumiretso sa loob ng cafeteria. Nadatnan na namin doon sila Miguel at Mia, wala si Doms at Kenjie, umoorder siguro.



Pagkaupo ko ay dumiretso si Athena don sa pila.



Pagkadating nila ay bumalatay ang gulat sa mukha ni Kenjie nang makita ako, agad naman akong nagtaka. Bakit naman siya magugulat na makita ako eh palagi naman kaming magkasabay na kumain.



Hindi ko na pinansin iyon at nag-umpisa na kaming kumain. Tahimik lang ang lahat nang basagin ni Doms ang katahimikan.



"Sa sabado na pala yung birthday ni Tito Alfred no?" aniya.



"Yeah, guys be there okay? Mommy knows na darating kayo," sabi naman ni Athena.



"Oo naman, we'll be there," sagot naman ni Miguel.



Natapos na kaming kumain at pabalik na kami sa room, pero biglang may humila sa braso ko.



"A-ano ba?" medyo inis na sabi ko dahil hindi ko kilala kung sino 'yon. Pero nawala ang inis sa mukha ko nang makitang si Kenjie ito. "Kenjie,"



"Sorry," sabi niya at tsaka dahan-dahang binitawan ang braso ko. "Pupunta ka ba sa birthday?" tanong niya.



Broken TrustWhere stories live. Discover now