Gabby's POV
"Hello Architect Salazar, it's nice to finally meet you," napaangat ang tingin ko kay Ms. Morales.
Ang sabi niya kasi ay ngayon kami magkita sa isang coffee shop para mapag-usapan ang design ng bahay na pinapagawa niya.
"Ms. Morales, take your seat," I said formally.
"Oh come on, don't be too formal, just call me Monica," she said, laughing. Ano kaya nakakatawa?
Hindi ko na pinatagal pa at tinanong ko na siya kung anong gusto niya sa bahay.
Dalawang palapag ang gusto niya, na may dalawang kwarto sa itaas at isa sa ibaba, na para sa maids.
Gusto din niya ng mayroon terrace at maliit na swimming pool sa may garden.
Napag-usapan na rin namin kung anong mga materyales ang gagamitin. Ang sabi niya ay napasa na daw niya kay Kenjie at kami na raw ang bahala kung iibahin pa raw namin iyon.
"Thank you Miss Monica for your time, makakaasa po kayo na maganda ang kakalabasan ng bahay niyo," sabi ko tsaka nakipag-shakehands sa kanya.
"Thank you rin, Architect Salazar," nagulat ako nang bumeso siya. Sa sobrang gulat ko ay wala na akong nagawa kundi tanggapin ang beso niya.
Nauna siyang umalis, siya rin ang nagbayad ng bill namin sa coffee shop.
Pasakay na ako ng kotse ko nang biglang may tumawag sakin.
"Gabby?" isang pamilyar na boses ang narinig ko sa likod ko.
Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Kalvin! Yung dati kong katrabaho.
"Kalvin!" gulat pero masaya kong sabi. "Kamusta ka na?"
"Ayos naman, ikaw ang kamusta na? Big-time ka na ha?" sabi niya at natawa naman ako.
"Nako, hindi ah. Ikaw ang mukhang big-time eh. Ano ng work mo ngayon?" tanong ko dahil base sa suot niya ay nakasuot siya ng formal attire.
"Owner ako ng isang car business," napaawang ang bibig ko sa narinig. Iyon yung matagal na niyang pangarap!
"Talaga?" gulat na tanong ko at tumango naman siya. "Ang galing mo, natupad mo na yung pangarap mong business,"
"Kaya nga eh, ikaw mukhang Architect ka na ha?" tanong niya nang mapansin siguro ang suot ko at ang hawak kong blueprint.
"Oo, dyan lang sa FCG," sagot ko naman.
Niyaya niya ulit ako sa loob ng coffee shop para daw makapag-usap kami sa sobrang tagal naming hindi nagkita.
Simula kasi nang umalis ako sa milk tea shop na pinagtatrabahuhan namin dati ay hindi ko na talaga siya nakita. Halos sampung taon!
"Ngayon lang ulit kita nakita, san ka ba naglagi," tanong niya.
"Umuwi ako kila Mama," sabi ko na lang dahil ayokong iopen-up na umalis ako ng bansa. "Ikaw, huwag mong sabihin na wala ka pa ring girlfriend? Successful ka na,"
"Well, I have already two kids," sabi niya. "And a beautiful wife. Dapat nga invited ka nung kasal namin kaso, nang puntahan kita sa apartment niyo wala ka na. Pati sa binyag at birthday ng panganay ko, since nandito ka na, first birthday ng bunso ko sa sabado, punta ka. Eto address namin," may inabot siya sa akin na calling card at nakalagay na ron ang address niya.
"Eh si Nicca? Nagkakausap pa ba kayo?" tanong ko.
"H-hindi eh," sagot niya naman.
"So pano? Sa sabado na lang, may trabaho pa ako. Salamat Kalvin," sagot ko at tsaka yumakap sa kaniya. Tsaka ako sumakay ng kotse pabalik sa firm.
Pagbalik ko sa firm ay dumiretso agad ako sa office ko para umpisahan na ang pag-dedesign ng bahay ni Monica.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok, sumigaw naman ako ng 'pasok' kaya bumukas ito at iniluwa si Kenjie.
"Nag-kausap na raw kayo ni Ms. Morales?" tanong niya pagkapasok.
"Ah yes, kanina. At ang sabi niya ay binigay na raw po niya sa iyo ang original plan, tayo na raw po ang bahala kung may babaguhin tayo," sagot ko naman.
"Dadalhin ko dito mamaya, ikaw na ang bahala kung may babaguhin ka. And then ipakita mo sa'kin ang final design sa linggo," sabi niya at tumango naman ako. Nagpasalamat lang siya at tsaka siya lumabas ng office ko.
Araw na ng Sabado at ngayon na ang birthday ng anak ni Kalvin.
Nagsuot lang ako ng black button front rib-knit bodycon dress, at tsaka ako nagsuot ng top sider na kulay white. Black na sling-bag lang din ang dinala ko.
Bago ako pumunta ay bumili muna ako ng regalo pero nang maisip ko na hindi ko nga pala alam kung lalake k babae ba ang anak niya ay cake na lang ang binili ko.
Chocolate cake ang binili ko at pinalagyan ko na lang ng dedication na 'Happy Birthday!'
Pumunta na ako sa address na binigay ni Kalvin sa akin. Hindi naman kalayuan ang bahay niya kaya ilang minuto lang ay nakarating na ako sa village nila.
Hinarang muna ako ng guard at tinanong kung kanino ako pupunta. Sinabi ko ang pangalan ni Kalvin at pinapasok na niya ako.
Nang makarating ako sa bahay ni Kalvin ay agad akong namangha, may kalakihan ang bahay niya.
Grabe, sobrang pagod rin ang naranasan niya para lang makapagpatayo ng bahay.
Sa may garden nagaganap ang birthday at naroon na ang ibang bisita.
"Gabby dito," sigaw ni Kalvin nang makita ako.
Pumasok naman agad ako at tsaka yumakap kay Kalvin.
"Eto pala, pasensya na cake lang nadala ko. Hindi ko kasi alam kung babae ba o lalake ang anak mong may birthday ngayon kaya yan na lang binili ko," sabi ko at tsaka nakita ko naman na tumawa siya.
"Ano ka ba, hindi ka na nga dapag nag-abala eh. Tara pasok ka, papakilala kita kay misis," nakangising sabi niya at sumunod naman ako sa kanya.
Pagkapasok namin sa loob ay medyo marami nang tao, pumasok muna kami sa loob ng bahay ni Kalvin. Agad akong napalingap sa ganda ng bahay niya. Simple lang pero talagang mapapalingap ka sa ganda.
"Gabby!" napatigil ako sa paglingap sa bahay ni Kalvin nang may tumawag sa akin. Si Nicca! Yung dati ko ring katrabaho.
"Nicca!" yumakap naman agad ako sa kanya. Akala ko ay hindi sila nagkikita ni Kalvin pero eto siya ngayon.
Pero natigilan rin ako nang makita ang suot niya, nakasuot siya ng green na jumpsuit pero nakasuot rin siya ng apron.
Agad naman akong nagtaka at napatingin kay Kalvin na nakangisi.
"Gabby, meet my wife. Nicca Ramos,"
:>>>>>
YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.
