Kenjie's POVNagmamadali akong bumangon at tsaka naligo, ewan ko nga kung ligo bang matatawag yung ginawa ko sa sobrang pagmamadali. Pano kasi ay na late ako ng gising, nakakainis. Pagkababa ko ay nagulat pa sila Mommy nang makita ako.
"Oh anak, I thought you're already in school," nagtatakang sabi nya.
"Bye mom, I really have to go," nagmamadali akong lumabas at tsaka sumakay sa kotse ko. Narinig ko pa ang habilin ni Mommy na mag ingat daw ako pero hindi ko na talaga nagawang sagutin yon dahil late na ko.
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko at tsaka ako tumingin sa relos ko.
8:30 A.M
SHIT! Sobrang late na ko, matatapos na ang first subject namin. Mabuti na lang at mahal ako ni Lord, hindi traffic. Pagkadating ko sa school at pagkaparada ko ay tsaka ako tumakbo papunta sa room.
"So you have to multiply it by two-" napatigil ang teacher namin sa pag discuss nang kumatok ako sa pinto. "Mabuti naman at naisipan mo pang pumasok, Mr. Menchavez. Masyado pang maaga," sarkastikong sabi nya pa.
Sobrang laki ng galit sakin ng teacher namin na to. He's our Mathematics teacher, sobrang sungit, pero kapag dating sa mga babae, nako automatic pasado. Bumuntong hininga ako dahil hindi dapat ako mainis dahil ako naman talaga ang mali.
"I'm sorry Sir," sabi ko na lang.
"Kung ano ano kasi ang inaatupag, come in," sabi nya at tsaka ako pumasok at dumiretso sa upuan ko.
Nakita ko naman ang mga gago kong kaibigan at pinagtatawanan ako. Tsk!
"Bakit ka ba kasi late?" tanong ni Miguel sakin.
"Hindi ko rin alam kung bakit late na ko nagising, hindi man lang ako ginising ni Athena," inis na sabi ko dahil totoo naman, hindi man lang nya ko ginising at pumasok syang mag isa.
"Sayang bro, hindi mo naabutan kung sino ang dumating kanina," nakangising sabi ni Doms kaya naman agad na kumunot ang noo ko dahil wala talaga akong idea sa sinabi nya.
"Ha? Sino ba-"
"Mr. Menchavez, late ka na nga ang daldal mo pa," our teacher cut me off. Napayuko na lang ako dahil sobrang kahihiyan na ang dala ko ngayong araw. Ang malas ko naman. "Sige ikaw ang magsagot nitong problem number 2," my eyes automatically widen with what I've heard. Agad ko rin narinig ang tawa nung dalawa.
Wala na akong nagawa at tumayo na lang at tsaka pumunta sa harap. Our topic is all about Linear and Non Linear Equations and Inequalities. Nagfocus na lang ako sa pagsasagot dahil baka mali ang maisagot ko at mapahiya na naman ako at baka hindi ko na kayanin, at baka magpakain na lang ako sa lupa.
I really hate when I'm being embarrassed, I don't know why. I just feel resent whenever it happens to me, just like Gabby did to me. Natawa ako sa reaksyon nya kahapon, masyado syang nainis sakin at ayon nag walk out, hindi ko alam kung san nagpunta. Hindi talaga gumagana sa kanya ang mga pagpapaawa effect ko, or baka naman gumagana naman talaga, in denial lang sya. Tsk, wala pang umaayaw sakin no, sya pa lang ang una kapag nagkataon.

YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.